Chapter 34.3: Best birthday gift :))

16.5K 316 187
                                    

Miss bookmark's note: 

Pasensya na kung nataggalan hehehehe, sana magustuhan niyo hehehe ^___^ V 

Comment and votes hehehehehe 

Dinededicate ko ito sa kay Zea dahil siya tumulong sa akin sa pag pili ng song hehehehe.Thank you very much hehehehe

Anong masasabi niyo sa bagong cover photo ng love riot maganda ba o pangit para mapalitan ko pa hehehehe... o mas maganda ung dati?

**34.3**

Vlad's Pov 

Kanina pa sumasakit ulo ko kakaikot dito sa mall at konting konti nalang makakasapak na ako ng tao, bukod kasi sa ilang oras na akong paikot ikot dito, wala parin akong mahanap na pwedeng iregalo sa baliw na yun, idagdag mo pa ung mga nakakairitang sales lady na walang ginawa kundi mag pacute. 

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa siyang bigyan ng regalo, siguro dahil lahat sila may regalo na sa kanya at mag mumukha nanaman akong masama, kung hindi ko siya bibigyan at siguro naguguilty rin ako dahil alam kong nasasaktan na siya sa pag iwas ko, pero hindi ko akalain na ganito ako mahihirapan sa pag hahanap ng pwede kong ibigay sa kanya.

Nandito ako sa boutique na madalas namin puntahan ni Cassandra pag nag papasama siya sa mall at natatandaan ko na sabi ni ate Amethyst, mahihilig daw ang mga babae sa bag. 

" Oh my galiwaw! Mga ati nakikita niyo ba ung naka black? Ang pogi noh?" rinig kong sabi ng isang sales lady na hindi gaano kalayuan sa akin at alam kong, ako ang pinag uusapan nila dahil ako lang naman ang costumer na nandito, hindi ko na sila pinansin dahil baka ano pang magawa ko sa kanila. 

" Trulalo ati! Ang pogi niya at sa porma palang niya mukhang mayaman." 

" Ang swerte naman ng girlfriend niya, baka kaya siya nandito dahil bibilhan niya ng bag ung girlfriend niya grabeee napaka swerteng babae, pogi na nga boyfriend niya, mayaman pa." 

" Baka naman hindi girlfriend, baka binibilhan niya ung kapatid niyang babae o di kaya mommy niya diba?" 

" Etoooo hopia ( hoping)  ka noh, asa ka naman na mapapansin ka niyan, kung wala yang girlfriend, na mukhang malabong mangyari. unless nalang kung bakla yan."

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon