Chapter 27: This guy's in love you pare?!

20.3K 162 50
                                    

Chapter 27 

Tammy's Pov

" Grabeeeeee! Ang sakit sakit ng ulo ko parang mabibiyak, kung alam ko lang na magkakaganito di sana, hindi ko na tinary uminom ng alak at ung mga lalaking, nakasayaw ko kagabi panay txt sa akin.!" 

Napatigil ako sa paguntog ng ulo ko sa lamesa ng marinig kong magsalita si Elmo, na kanina pa pala nakatingin sa akin. 

"Kahit ilang beses mong iuntog yang ulo mo diyan sa lamesa, di mawawala yang sakit ng ulo mo at sa ginagawa mong yan, sinisira mo lang yang lamesa eh. Eto try mo( sabay abot ng gamot) yan madalas inumin nina Niko pag nagkakaganyan sila at hayaan mo sila mag txt sayo mapapagod rin yang mga yan."

sabi ni Elmo at sabay abot ng isang basong tubig. 

" Salamat! Teka dumating na ba sila?" Tanong ko habang iniinom ang gamot na kabibigay niya.

" Hindi pa" 

" Hala! Bakit wala pa sila, baka may nangyari na sa kanilang masama!" 

" Ate Tammy wag ka mag alala sa mga yun, panigurado nag eenjoy sila sa mga sandaling ito kapiling ang mga magagandang babae." sabi ni Elmo habang naglalagay ng placemat sa may lamesa.

" Di mo naman kasi ako masisi na mag alala sa mga yun eh, kasi ako nagyaya sa kanila kaya pag may nangyaring di maganda sa mga yun,nakooooooo di ko mapapatawad sarili ko. Ang pagkakatanda ko pa naman kagabi, sobrang dami na nilang nainom kaya paano nalang kung sa kalasingan nila, mapagtripan sila ng mga lalaki dun tapos bugbugin sila tapos saksakin at iwan nalang sila sa may ilog, napalutang lutang o di kaya habang pauwi na sila mabangga ung sinasakyan nila ng ten wheeler truck at un pa ang ikamatay nila o dibaaaaaaa maraming pwede posibleng mangyari kaya di mo ako masisi na mag alala sa kanila." Maluha luha kong sabi at napansin kong pailing iling si Elmo.

" Alam mo ate Tammy, pwede bang  iwas iwasan mo nang manuod ng mga teleserye at pag sasama kay Niko kasi nahahawa ka na eh. Alam ko naman na concern ka lang sa kanilang dalawa, pero sana naman wag mo naman silang patayin kasi kung mag salita ka, isa lang ang pinupunto mo eh, na mamatay na sila , pwede naman na sugatan muna sila o di kaya 50'50 kesa  patay agad, nakoooo ikain mo na nga lang yan,gutom lang yan." sabi ni Elmo habang natatawa.

Habang kumakain kami....

" Ate Tammy, mag kwento ka naman kung anong nangyari sa inyo kagabi, nag enjoy ka ba?" Tanong ni Elmo

" Uhmmmm kagabi? kagabi? kagabi? kagabi?" paulit ulit kong sinasabi habang inaalala kung anong nangyari sa amin ka gabi pero muntik na akong masamid ng maalala ko kung anong nangyari sa amin ni Vlad.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon