Chapter 21: Turuan mo ako niyan ( Please) Selos Selos

18.4K 163 29
                                    

Habang pinapanood nila ung pag sasayaw ni Tammy,di naman maalis alis ung tingin ni Vlad na para bang kinakabisado niya ang bawat galaw ni Tammy.

Flashback

 

 Coffee shop..

 

“ Iho, paano mo nalaman na naghahanap kami ng model sa commercial ?”

 

“ Kay Cassandra.” Matipid na sagot ni Vlad

 

“ Talaga si Cassandra nag sabi  sayo, ibang klase talaga ung batang un, lagi niya nalang  akong tinatanggihan sa mga offer ko sa kanya at ang sabi pa niya tatanggapin lang daw niya ung offer ko kapalit ng pagiging presidente ng company , kaya buti nalang ni recommend mo sa akin si Tammy kundi nanganganib na ung pagiging presidente ko sa company hahahahahah..pabirong sabi ni Jimmy

 

“ Parang di niyo naman kilala si Cassandra, ayaw nun masyadong na eexpose yung mukha niya.

 

“ Alam mo Iho, ang laki na ng pinag bago mo.”

 

“ Huh”

 

“ Sabi ko ang laki na ng pinagbago mo simula nung……………………”

 

“ Ninong ayaw ko na po pag usapan yan.

 

“ Pasensya na Iho, kung sino man yang nag pabago sayo , sana wag mo na siyang pakawalan. Sabi ni Jimmy sabay tapik sa balikat niya.

 

End of flashback ….

 

Vlad’s Pov

Talaga na bang nag bago na ako at sino kayang sinasabi ni Ninong na nag pabago sa akin? Teka magaling rin palang sumayaw itong baliw na ito huh, may tinatago pala itong talent kala ko puro pag dadaldal lang at pag bwibwisit sa akin ang kaya niyang gawin eh.

“ Iho, dahan dahan lang sa pag titig baka matunaw yang kaibigan mo.” sabi ni Jimmy na kanina pa napapansin na nakatitig siya kay Tammy

“ Ninong, ano okei na po ba siya para sa  commercial na gagawin niyo?

“ Di lang okei super okei , tama ako sa sinabi ko kanina sayo, na  perfect siya para sa commercial kasi napansin ko, sa ating mga pinoy mahihilig tayo sa mga mapuputi at mga looks ng mga Korean. Bukod sa napaka simple ni Tammy masyadong maamo ung mukha niya kaya sigurado ako magiging patok ang commercial kung siya ang magiging model.

“ Ninong wag niyo sasabihin sa kanya yan, panigurado lalaki nanaman yang ulo nun." sabi ni Vlad

“ Mukhang di ko na kailangan sabihin kasi alam niya na, tignan mo( sabay nguso sa direksyon ni Tammy na maraming nakapaligid sa kanyang mga lalaking empleyado) Nakuuuuu bilisan mo inaanak baka maagaw  na siya sayo sabi ni Jimmy sabay tulak kay Vlad kay na Tammy.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon