Chapter 49: Jealous part 1

4.3K 100 21
                                    

Namimilipit parin sa sakit si Niko habang nagbababad sa may bathtub na puno nang ice cubes.


"Kamusta ang alaga natin bro, nagpanatang makabayan na ba?" hindi mapigilang tumawa ni Gio habang nakatingin kay Niko.


"Oh Sh*t! I will hunt her at makikita nang babaeng yan ang kamandag nang alaga ko!" matigas na pagkakasabi ni Niko habang tumatakbo parin sa utak niya ang mga nangyari kagabi, wala na nagawa si Gio kundi mas lalong tumawa.


Nagpalipas ng gabi sina Niko at Gio sa Tragedy, isang bar na pagmamay-ari ni Arthur Tuason, simula nang umalis sila sa bahay, ganito nalang ang parati nilang ginagawa, tulad nang dati.


Masyadong maingay ang buong bar dahil sa lakas ng tugtog na sinamahan pa nang pagsigaw ni Gio, para na itong mini concert dahil tuwing pumupunta sila dito, hindi papalagpasin ni Gio ang isang gabi na hindi siya kumakanta na mas lalong nag papahype sa crowd.


"I hate you! I hate you!" paulit ulit na sinasabi nang babae na naka-upo sa may bar counter, mukhang lasing na lasing ito at pinapagalitan ang kanyang cellphone.


"Can I?" tanong ni Niko nang hilain niya ang upuan malapit sa babae.


"I don't have name on it and it's not my property, you can do whatever you want, kiss it, lick it, I don't care." Maarteng sabi ng babae at binalik niya ang buong atensyon niya sa cellphone na kanina pa niya kinakausap.


Napangiti nalang si Niko dahil first time siyang na tarayan ng babae na kakikilala palang niya, mostly nagpapacute na ang mga ito once na lumapit na siya.


"Mark! Red label and tequila." Nakangiting sabi ni Niko sa isa sa mga bartender, nang mapansin niyang tequila ang iniinom ng babae at tumango nalang ang bartender.


"I know alcohol makes you forget about the pain." Pasimpleng sabi ni Niko at tinulak ang isang basong tequila palapit sa babae. "But I'm here to take away that pain." Dagdag na sabi nito at sinabayan nang pagkindat. Kadalasan ganun ang istilo ni Niko pag may type siyang babae.


"Are you flirting with me?" Mataray ang pagkakasabi nang babae na nagpa ngiti lalo kay Niko.


"I have money, I can buy whatever I want. Just mind your own business and stop that cheesy lines." Binalik niya ang shot glass na inorder ni Niko. Aakto na sana itong paalis ng pigilan siya ni Niko


"Wait...Wait" at hinawakan niya ito sa braso, para mapigilan sa pag-alis, pero laking gulat niya ng tumama ang tuhod nito sa alaga niya or also know as Niko's junior.Ilang mura ang pinakawalan niya dahil sa sobrang sakit.


Namilipit sa sakit si Niko at hinawakan ang kanyang alaga, para maibsan ang sakit pero kahit anong gawin niyang hawak, masakit parin, mukhang na scramble egg na ang kanyang alaga.


"I don't like being touched with someone else, don't touch me unless I give you permission. We were not close either." At umalis na siya habang nakahandusay si Niko sa sahig.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon