Chapter 32: Tammy the Floral ^__^

15.2K 215 79
                                    

Niko's Pov

 Iniinterview namin ngayon si Martin at lahat ng mga tinatanong namin sa kanya, nasasagot niya ng maayos pero halata parin na kinakabahan siya, di mo naman siya masisi noh, kaw ba naman ang kikilatisin ng mga ganitong kagwagwapong nilalang na katulad naman eh kakabahan ka talaga. 

Simula nung makita ko siya sa labas ng gate, alam ko na sa sarili ko na ayaw ko sa kanya para kay Tammy, hindi ko sinasabi ito dahil presidente ako ng VLAMMY LOVETEAM, kundi dahil sa hubog palang ng mukha niya, wala na akong tiwala sa kanya, alam kong wala siyang gagawing maganda pero kahit ganun kailangan ko siya, para sa mga plano ko ang pagselosin si bff.  

Speaking of my beloved bff, pababa siya ngayon at iba ung tingin niya kay Martin huh, kung nakakamatay lang talaga ang pag tingin naku goodbye Martin na. Teka bakit siya nakapambahay akala ko ba makikipag kita siya kay Cassandra. 

" Bro, akala ko aalis ka?" tanong ko sa kanya pero katulad ng inaasahan ko hindi niya ako pinapansin, subalit tinignan lang niya si Martin ng masama at saka siya pumunta sa kusina. 

Napatingin ako kay Martin at biglang kuminang mga mata ko dahil sa aking magandang idea hahahaha. 

" Anong plano mo ngayon?" tanong ko kay Martin at sinadya ko talagang lakas yung boses ko para marinig ng aking beloved bff na nasa kusina ngayon. 

" Gusto ko sanang yayain si Tammy mag lunch mamaya eh." sabi ni Martin pero mahina boses niya at mukhang hindi ito narinig ni bff. 

" Ano?! Pwede ba pag kausap mo ako lakas lakasan mo yang boses mo!" sita ko sa kanya, ano ba itong lalaking ito pinapainit ulo ko.

" Ah pasensya na po, GUSTO KONG YAYAIN SI TAMMY MAMAYANG MAG LUNCH." ulit na sabi ni MArtin at malakas na boses niya. 

Napatingin kami sa kusina ng may narinig kaming ingay at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil alam kong gumagana na yung plano ko hahahaha pero hindi pa ako ganun ka saya gusto ko more more hahahaha.

" Cge! Anong oras mo siya iuuwi?" tanong ko kay Martin na kinabigla naman ng mga ugok kong kaibigan na nasa likod ko, alam kasi nilang hindi ako papayag dahil pag lalaki ang pinag uusapan na may kinalaman kay Tammy, isa akong kontrabida sa mga paningin nila. 

Pero mas lalo kaming nabigla ng may narinig kaming kalabog sa kusina, parang ingay na nag mumula sa mga kutsara at tinidor na nahuhulog o should I say binabato? hahahahaha pero imbes na maingayan ako parang itong love song sa tenga ko hahahaha... 

" Bro, ano kayang meron dun sa kusina bakit ang ingay." bulong naman ni Elmo sa akin.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon