Chapter 44: Pinangunahan mo ako!

5.2K 119 26
                                    

Chapter 44

Isang pagod na ngiti ang umukit sa labi ni Tammy habang pinupunasan niya ang kanyang luha na hindi matigil tigil sa pagpatak. Mas lalong rumami na ang mga taong nakigulo sa loob ng cafeteria at lahat ng atensyon ay na kay Tammy, kaya sa sobrang hiyang nararamdaman nito agad itong yumuko at nagsimula ng maglakad palabas.

Sinalubong naman siya ni Vlad at mabilis na hinawakan ang braso nito, habang ang kabilang kamay nito ay hila hila si Cassandra na hindi alam kung anong gagawin. Patuloy ang pagbubulungan ng mga taong nasa loob ng cafeteria.

“Stay here!” seryosong sabi ni Vlad at pagkatapos nun ay saka niya binitawan ang braso ni Tammy at agad lumapit sa lamesa na walang tao at saka niya binalibag iyon. Natahimik ang lahat ng mga nandoon at ni isa sa kanila walang naglakas loob na magsalita.

Pati mismo sina Cassandra at Tammy na nakatayo sa may gilid ay nagulat rin. Si Olive na nakaupo parin sa sahig na parang hindi parin nakakarecover sa ginawa sa kanya ni Tammy eh nagulat rin sa pagbalibag ni Vlad sa lamesa.

“ I already warn you!” madiin ang pagkakasabi ni Vlad habang hila hila niya upuan na gawa sa kahoy, papalapit kay Olive. “ And you don’t know what I’m capable of!” sigaw niya at saka niya hinamapas ang upuan malapit kay Olive kaya ito nasira.

Napapikit ang lahat dahil sa pag aakalang kay Olive niya ito ihahampas, maski si Olive napapikit rin pero ng maramdaman niyang hindi sa kanya ito hinampas eh dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata.

Tinignan siya ng masama ni Vlad.

“ Stay away from Tammy and Cassandra! Bago ko makalimutan na babae ka!” seryosong sabi ni Vlad at saka hinila si Tammy papalabas ng cafeteria na sinundan naman ni Cassandra.

Tahimik sila sa loob ng sasakyan ni Vlad, nasa gilid niya si Tammy habang si Cassandra naman ay nasa likod. Nasa parking lot parin sila at ni isa sa kanila walang nagsasalita.

“Dee, pwede bang mag-usap muna kami, just the two of us?” seryosong sabi ni Cassandra na  sa wakas nagsalita na, pagkasabi niya nun agad naman napatingin si Tammy sa rear view mirror para tignan siya.

“Okay! 20 mins to fix this mess and we eat after.” Sabi ni Vlad at saka siya lumabas ng kotse, lumipat si Cassandra sa driver’s seat.

Nagkatinginan muna sila ni Tammy bago nagsalita si Cassandra.

“Gusto mo si dee, este si Vlad at nakatira ka kasama siya sa iisang bahay, ano pa Tammy ang hindi ko alam?” tanong ni Cassandra

“Wala na, yun lang.” mahinang sabi ni Tammy

“ Talaga yun lang, eh ano yung kay Martin bakit binigyan mo siya ng second chance?” nakataas ang kilay na sabi ni Cassandra.

“Kinausap ako ni Olive, na kailangan kong I-date ang kapatid niya at maging kami kapalit ng sekretong nalaman mo ngayon.”

“What! Ginawa mo yun dahil lang dun?” hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra.

Tumango nalang si Tammy bilang sagot sa tanong ni Cassandra.

“Ano bang gagawin ko sayo! Kung hindi ka ba naman ubod ng katangahan para pumayag sa deal na yun! Paano nalang kung sabihin niyang halikan mo paa niya kapalit ng pananahimik niya, ano gagawin mo?!”

“ Gagawin ko parin!”

“Anong klaseng kokote ang meron ka Tammy huh!”

“Alam mo kung bakit, kasi okei lang na masaktan ako, wag ka lang!”pagkasabi iyon ni Tammy agad tumawa ng malakas si Cassandra na parang nasisiraan na ng ulo.

“What if, hindi ako masaktan sa nalaman ko ngayon at sa mga sikretong matagal mo ng tinatago. Alam mo kung anong problema sayo, pinapangunahan mo ako sa pwede kong ireact.” Galit na galit na sabi ni Cassandra

“ Alam mo kahit anong pagka martir mo, hindi ka mabibigyan ng award o rebulto, alam mo kung anong dapat sayo, baralin sa luneta park!  At isa lang napatunayan ko ngayon, hindi lang ako may trust issues dito pati ikaw may trust issue, hindi mo ako pinagkatiwalaan bilang kaibigan mo!” pagkasabi iyon ni Cassandra saka siyang lumabas sa kotse at nagsimulang mag walk out.

Lumabas rin si Tammy para habulin si Cassandra.

“Cass!” Tawag ni Tammy

Tumigil si Cassandra sa paglalakad at tumingin kay Tammy.

“ Ano! Iiyak ka nanaman sa harap ko? Nasaan na yung Tammy na nakilala kong hindi papayag na inaapi, yung Tammy na matapang, yung Tammy na sasabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin?!”

“Sorry! Cassandra I’m sorry!” nanginginig na sabi ni Tammy at bigla siyang niyakap ni Cassandra.

“ Shhhh…Okay na, sasusunod kasi wala ng lihiman, para wala ng ganitong kadramahan” sabi nito habang hinahagod ang likod ni Tammy. “I still remember that day ng yakapin mo ako ng ganito kahigpit at that same day naging magkaibigan tayo and i already told to myself na kahit anong mangyayari aalagaan ko ang pagkakaibigan na ito.” Bulong niya kay Tammy at dahil dun mas lalong humagulgol ito.

“ And FYI, hindi kami mag boyfriend ni dee dahil pinsan ko siya.” Nakangiting sabi ni Cassandra at ginulo ang buhok ni Tammy.

Pagkatapos ng revelation na iyon, nakarinig sila ng mura galing kay Vlad napalapit sa sasakyan nito. Dahil naiwan ang susi sa loob ng sasakyan at nag automatic lock ito.

.........

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon