Chapter 26: First kiss?

18.5K 177 40
                                    

Chapter 26:  First kiss?

Habang nag dridrive si Vlad, di mawala wala sa isip niya ang mga picture na nakita niya kanina. Di niya alam kung bakit bigla nalang uminit ang dugo niya sa mga nakita niya at isa lang ang nasa isip niya ngayon, ito ay makita si Tammy. 

Inisa isa niya ang mga bar na pwedeng puntahan nina Tammy pero halos lahat ng na puntahan niya ni anino man lang ni Tammy o mga kaibigan nito, wala siyang nakita. 

Habang tumatagal mas lalo siyang kinakabahan sa pwedeng mangyari kay Tammy lalo na’t lasing na lasing ito at di niya alam kung anong tumatakbo sa mga isip ng mga kasayaw nito. 

Napahinto siya ng may makita siyang maliit na bar at sinibukan niyang pumasok, nag babaka sakaling nandun ang kanyang hinahanap. 

Pag kapasok niya tumambad sa kanya ang tatlong babae na nag tatawanan na nakaharang sa dinadaanan niya. 

“ Pathetic!” Sabi ni Olive habang pailing iling

" Grabe di ko akalain na mag wawala siya ng ganyan, teka pustahan tayo, kung kanino siya sasama mamayang gabi?" sabi  ni Nicole habang tumatawa.

“Haha! Ibang klase talaga ang kapangyarihan ng alak noh, akalain mo talo pa niya si Maria Clara sa sobrang hinhin at pagkaconservative pero kita mo naman ngayon, kung makapag wala, wagas!”  sabi naman ni Stella.

“Ang babait nating kaibigan noh?! Sabi ni Olive.

" Hahahaha. Parang di mo naman alam, kaya nga lang natin yan kinaibigan para makapag higanti tayo sa lintik na Cassandra Valencia na iyan at saka take note kaibigan niya ang pinaka hot at pinakamayaman na si Vladimir  Montenegro" sabi ni Nicole habang tumatawa ng nakakaloko.

“Oo nga makakapaghiganti na tayo kay Cassandra makukuha pa natin si Vladimir ! Haaay buhay nga namaaaan! Tumatawang sabi uli ni Olive.

Napalingon naman si Nicole sa kanilang likuran ng maramdaman nitong may tao sa kanilang likod, sa sobrang gulat sa kanyang nakita natulala nalang ito. 

“ Hoy Nicole! Na paano ka, para ka naman nakakita ng multo!” Natatawang sabi ni Stella sa kanyang kaibigan.

At dahan dahan naman tinuro ni Nicole si Vlad at nang makita ito ni Stella napa kuhit nalang ito kay Olive.

“ Oh bakit? May nakita nanaman ba kayong DOM na mabibiktima natin?” tanong ni Olive at sabay lingon sa kanilang likod. 

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon