Chapter 41: Deal

7K 151 35
                                    

Chapter 41

Tammy’s pov

Hindi ko maintindihan itong lalaking to, kanina kung anu-anong pinagsasabi, akala ko nga yun na magiging dahilan ng kamatayan ko, feeling ko kasi hindi na normal itong heartbeat ko, tapos ngayon halos hindi mo maipinta ang mukha at Mr.Sungit mode na siya ngayon. Sa totoo lang mas gusto kong ganyan siya kesa kanina.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina, nagbibiro ba siya o totoo yung mga sinasabi, pero impossible may Cassandra na siya.

“ Tammy, kinakain yan hindi tinititigan.” Saway niya sa akin,  kanina pa kasi ako nakatitig sa pagkain, matapos kasi namin mag grocery, nagyaya siyang kumain, ayaw ko sana pero mapilit siya at wala pa akong lakas para kumontra sa kanya.

Imbes na magsalita, nagsimula na akong kumain, ngayon naramdaman ko na gutom na ako, kanina kasi hindi na ako nakapag almusal dahil wala talagang laman ref namin.

Tahimik kaming kumain,di ko narin siya pinapansin kahit napapansin kong panay tingin niya sa akin, ayaw ko munang makipag-usap at saka hindi pa ako nakakarecover sa nangyari kanina baka matuluyan na ako ng wala sa oras.

“Tammy?!” tawag sa akin ng isang babae, nabitawan ko yung kutsara na hawak hawak ko, mabuti nalang hindi ito nalaglag sa sahig. Hindi ako maaring magkamali, siya yun, pero bakit ngayon? Hindi pa ako handa.

Dahan dahan akong lumingon para kumpirmahin ang hinali ko at tama nga ako nakita ko si Cassandra na nakangiting nakatayo sa entrance ng restaurant na kinakainan namin, nakashort ito at loose t-shirt, di ko maikaka-ila na magugustuhan siya ni Vlad, masyado siyang perfect. Hindi ko maiwasan na ma-insecure.

Lumapit siya agad sa akin at saka niya ako niyakap ng napakahigpit habang ako gulat parin. Anong nangyari, hindi siya galit sa akin? Bakit ganyan siya, parang walang nangyari sa amin.

“ Ikaw nga! Miss na miss kita. Bati na tayo pleasee.” Sabi niya sa akin habang nakayakap parin siya sa akin, ako  rin Cassandra na miss kita, pero bakit ganun hindi ko magawang maging masaya, para sa atin dalawa, mas nanaig ang takot na pwedeng mangyari ngayon na  magkaharap harapan kami.

  “Dee?” baling niya kay Vlad na nakatingin sa amin ngayon. Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo siya ng maayos. “I hate you, ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sa akin! Miss you.” Sabi niya at lumapit rin siya dito at niyakap rin niya agad ito ng napakahigpit. Si Vlad naman ay nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa buhok ni Cassandra at saka ginulo ito. Wow! Great view, hindi ko alam masakit palang masampal ng realidad. Ang sakit sakit pala, akala ko mas masakit na yung makita ko silang dalawa sa malayuan, pero eto mas malapit at sobrang sakit. Hindi ko na sila tinignan dahil hindi ko kaya.

Nakarinig ako ng pagpalakpak galing sa likod namin, nilingon ko kung sino iyon at nakita kong nakatingin sa akin si Niko habang papalapit sa table namin.

“Awww~ nakakatouch naman ang pagkikita niyo, pwede gumaya?” sabi ni Niko at yayakapin na sana niya ako ng bigla siyang hinila ni Cassandra.

“ Don’t you dare! Tammy wag kang magpapayakap diyan baka mabuntis ka.” Babala ni Cassandra sa akin at ngumiti nalang ako.

“ Edi ibig sabihin buntis ka na, kasi kaninang umaga…….” Hindi na naituloy ang sasabihin ni Niko ng isalpak sa bunganga ni Cassandra ang table napkin na nasa mesa.

“Don’t mind him. Teka pwede bang dito nalang kami makishare ng table para mas masaya, ayaw ko kasi na kaming dalawa lang, mababaliw ako.” Naka-smile na tanong ni Cassandra. Imbes na magsalita si Vlad pinagpatuloy nalang niya ang pag-kain.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon