3rd Quarter: Knight in Prince Charming

2.1K 24 5
                                    

Hanga naman ako sa naglalagay ng note sa locker ko. Wala siyang palya sa paglagay ng mga note. Iniisip ko nga, sino naman kaya gagawa nun? Ayokong umasa kasi. Mas masasaktan ako pag umasa ako tapos hindi pala... siya. 

Hindi ko na lang pinapansin, kung hindi ko itinatapon ibinibigay ko na lang kay Kate tapos bahala na siya sa gusto niyang gawin dun. As in, wala akong pakealam. Wala akong pakealam! Kaso tuwing ibinibigay ko sa kanya yun, inaabangan ko yung susunod niyang gagawin.

Hindi niya itinatapon eh, kundi inililigpit lang niya sa mga gamit niya. Gusto ko siyang tanungin kaso bakit ko naman gagawin yun? Bale, one week na rin na nagpapadala sa akin si the C, buong linggo na I love you ang ipinapadala niya. Kaya nasanay na ako. Anong bago dun?

After I love you comes I am sorry, anyway. 

It's a new day. I smiled as the heat of the sun touched my face. Paglabas ko ng pinto, isang bouquet agad ng roses ang sumalubong sa akin. Unti-unting ibinababa nung may hawak yung bouquet. 

Kinilig ako. Alam ko naman na siya yun eh, pero nung makita ko siya smiling at me while holding the bouquet of pink roses, kinilig pa rin ako. "Good Morning Mie." 

Iniabot niya sa akin yung bulaklak saka ako umabrisyete sa kanya. "Good Morning Kai." Sagot ko sa pagbati niya habang inaamoy ko yung mga bulaklak. Saka ko naalala, bakit niya pala ako sinundo? Wala ata kaming usapan ngayon.

"Bakit mo pala ako sinundo? Anong meron?" Magkasunod kong tanong sa kanya bago kami makalabas ng gate ko.

"Isa isa lang, mahina kalaban. Hmmn. Bakit nga ba?" Tumigil siya sa paglalakad saka nag pause na parang nag iisip. 

"Oh, bakit nga ba?" Pangungulit ko sa kanya. Kasi, ngayon dapat lahat may reason. Merong explanation. Naparanoid na ata ako na maiwan sa ere ng nangangapa na ultimo pinakasimpleng bagay hinahanapan ko ng kung ano.

"Gusto lang kitang itreat ngayon. Kasi, bukas solo ka na ni Mon. Nakalamang na naman yung hayop na yun e. Hahaha." Sabi niya.

Kinutusan ko siya kahit na mas matangkad siya sa akin. "Ano yan? Contest ba ginagawa niyo? Mga ewan kayo ha." Sabi ko sa kanila. Nakakatuwa naman. Kinikilig ako kay Kaile. Hehe. Wag kayong kontra. Nag eeffort siya!

"Saan mo ko pakakainin?" Tanong ko sa kanya.

"Tara sa bahay. Miss ka na ni Mommy e." Sabi niya sa akin saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. 

Ang huli kong kita kay Tita is nung kami pa ni Kaile. After nun, wala na. Hindi ko rin matandaan kung meron siya nung libing. Hindi ko alam kung mahihiya ako o kung ano man sa kanya.

Oo, gusto ako ni Tita para kay Kaile. Noon. Paano ngayon? After ng nangyari sa akin. Gusto pa rin kaya niya ako? I feel so damaged. Feeling ko, I'm not good enough na para magustuhan niya para sa unico hijo niya.

"Wag ka nga kabahan. Kilala mo naman si Mommy e." Pang assure ni Kaile sa akin. 

Yun na nga. Kilala ko Mommy niya kaya ako kinakabahan ngayon. Hindi ko maisaboses yun. Buong byahe na iniisip ko kung paano ang ikikilos ko sa harap ni Tita Lou. Paano ba? Normal ba o kailangang ayusin ko?

Dumating kami ron in no time. Ang bilis. O, hindi lang ako nagpe pay ng attention? Pagpasok namin sa bahay nila agad kaming pinatuloy ni Manang sa dining area. Brunch siguro or merienda sabi ko sa isip ko.

"Hello hija. Kumusta ka na?" Tanong sa akin ni Tita. "I heard what happenned to you. I'm sorry anak." Sabi niya sa akin.

I looked at Kaile. Binalaan niya siguro Mom niya. Kaso, pagtingin ko kay Kaile na nakasunod sa akin, wala na siya.

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now