22nd Quarter: They are Mr. Right gone Wrong

424 16 7
                                    

CENT

Umuwi na ako kaagad matapos kong ihatid si She. Humindi na nga ako nang ayain niya akong tumuloy pa.

Kailangan ko sigurong mapag-isa.

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong agad ako ni Yen, “Bae, where ka nanggaling? Ang aga mong umalis? Hindi ka man lang nagbreakfast. I’ve cooked something special pa naman for you. Sino kasama mo?” tuluy-tuloy niyang tanong.

“Punta muna ako sa kwarto. I need to rest,” sabi ko sa kanya sabay talikod na.

“Pero bae! Di mo sinagot ang tanong ko,” habol niya sa akin. “Supposedly, magkasama tayo sa lahat ng lakad, diba? Ba’t mo ako iniwan?”

Umakyat na lang ako aat hinayaang bumuntot siya sa akin. Nang marating ang kwarto, agad akong pumasok saka ko isinara ang pinto.

_

Natigil lang ako sa pagtitig sa kawalan nang may kumatok, “Insan, kamusta naging lakad nyo?” tanong sa akin ni Bill mula sa pintuan.

“Madali lang pala ang problema mo kay Iya, tol,” sabi ko, napatawa ako ng pagak. “eh yung sa akin, malaki-laki,” dagdag ko.

“What do you mean, Cent?”

At, saka ko ikwinento sa kanya ang nangyari.

_

SHAE

After ilang minutes matapos akong inihatid ni Cent, dumating na ang tinawagan kong si Mon.

“Namiss mo na naman ako no, Loves?” bungad-biro niya sa akin nang makapasok siya sa bahay.

“Kapal mo! Kailangan ko lang ng kausap eh,” sabi ko sa kanya matapos kong ibato sa kanya ang throw pillow sa kalapit kong couch.

“Ikaw naman! Kunwari ka pa eh,” ganting sabi niya saka siya naupo sa tabi ko sa sofa.

Inakbayan niya ako sabay tanong, “It went well?”

“Oo naman. I think the one year apart did me good. Nakapagmove on ako, ayun.” Sagot ko.

Siguro nga, totoo ang sabi na time heals all wounds. That only time will tell.

“Then, Im so proud of you.” Sabi niya sa akin saka niya pabirong hinimas ang ulo ko, “Im so fvcking proud of you Shamie baby loves!”

“I’m so proud of myself too,” tawa ko saka ko pinalo ang kamay niyang nanghihimas sa ulo ko.

You see. Masaya pong maging masaya. Kailangan lang tanggappin ang lahat at patawarin ang lahat. Magandang mabuhay nang magaan ang pakiramdam.

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon