10th Quarter: Surprises

1.3K 22 13
                                    

Quarter 10

 

Kaile’s POV

 

Sunduin mo na kami. Palabas na kami ng Sizzling 69.

 

Teks sa akin ni Shae. Susunduin ko kasi siya pagkatapos ng night out nila nung mga kaibigan niya. Kailangan kasing malaman kong safe siya, lalo pa’t di niya kasama si Mon. Kung mayroon man akong pinagkakatiwalaan para sa welfare ni Shae, si Mon ‘yun.

Pakiramdam ko kulang ang effort na ibinibigay ko kapag naitatabi ako kay Mon. Kapag tinitignan ko siya, hindi siya nageexert ng effort pero, napapasay niya ng sobra si Shae. At, iyon ang nakakainggit.

Agad akong lumabas ng bahay para sunduin si Shae, “Saan ka na naman pupunta Kaile. Gabi na ha?” Sita sa akin ni Ma nung makita niya akong palabas na ng pinto habang pababa siya ng hagdan na nakakunot ang noo.

“Ma, I’m gonna give Shae a ride home.” Paalam ko. Lalong kumunot ang noo niya. “Is she not with the other guy? His friend, Mon?” Tanong sa akin ni Ma.

“May lakad kasi si Mon e.” I informed her.

“Bakit ngayon ka lang pupunta? Dapat umeksena ka na kanina pa. Hindi niya pala kasama yung karibal mo e. Bakit andito ka? Dapat sumama ka na sa kanya at sinamahan mo siya. Nako Kaile, sayang yung pagkakataon. Halla, sige. Layas na!”

Natatawa at naiiling ako sa sinabi niya. I went upstairs and hugged my mother. “You really like Shae, don’t you?”

After hugging my mother I went on the garage and rode my Mazda3. I was looking for a car park when I saw guy that resembles my teammate and friend, Bill. I saw him walking out of a bar near Sizzling 69.

Napapreno ako. And looked at him, siya nga. Hindi lang si Mon ang karibal ko. Meron na naman pala yung pinsan ng ugok na ‘to.

Agad itong sumakay sa kotse nito at umalis na. May panahon pa para paghandaan ko kung ano ang susunod kong hakbang. At least, akin ang gabing ito.. or not.

Nakita ko sa parking area ng Sizzling 69 yung kotse ni Mon, “Akala ko ba, hindi sila magkasama?”

 

Nakatayo na ako sa labas ng kotse nung makita ko sina Shae palabas kasama sina Kate, Iya at Cam.  Natutuwa ako sa tuwing nakikita kong kasama ni Mie mga kaibigan niya, lalo pa’t walang Mon na nakabuntot.

Seryoso ang usapan nila habang naglalakad papunta sa parking lot. Sinalubong ko siya sa tanong na, “Ang aga mo namang nagpasundo?” Tinitignan ko sila, parang di pa sila natatamaan at parang kakaumpisa pa lang ng gabi nila. May chance kaya na nasira yung gabi nila kasi nakita nila si Bill? Nasa loob kaya si Cent?

“Ah, di rin kasi kami makapag-usap ng maayos e. Hehehehehe.” Sagot niya. Ano kaya pinag-uusapan nila? Sinosort niya kaya lahat ng nararamdaman niya. Anubayan! Kailan ko pa pinag-iisip ang mga ito? “Hatid na natin si Cam ha? Si Kate kay Iya naman sasabay.” Sabi niya sa akin. Tinignan ko si Cam at nahihiya siyang yumuko nung lumingon ako sa kanya.

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon