24th Quarter: Superman boyfriend

796 21 13
                                    

SHAE

Nag-group message ako sa aking mga girl friends na magkita-kita uli kami. Sa burger and kebab house na favorite naman namin ang meeting place this time.

Nauna akong dumating doon at nag-order na ako ng tig-iisa kaming CCB (Crispy Chicken Burger) at Shawarma. Masarap kasi talaga ang gawa nila dito. Sila ang gumagawa ng cheese nila at Peeta bread.

Nang dumating sila, nakabusangot si Iya, pansamantala ko munang itinabi ang gusto kong sabihin sa kanila at tinanong ko kung anong problema niya.

“Same old, same old.” Pasimple niyang sagot.

That means, si Bill Clint Benitez ang problema niyan.

“Ano ba ang nangyari?” tanong sa kanya ni Kate. Nilingon naman ako ni Iya, saka lang siya sumagot nang tumango ako. Tahimik lang naman sa kanyang upuan si Cam, as usual.

Kwinento nga niya ang pangungulit ni Bill sa kanya at ang kanyang mini outburst. Napangiti kami ni Cam sa kwento niya, wala pa rin siyang pinagbago—she stills speaks her mind and heart.

“Serves him right.” Naman ang naging linya ni Kate, nakangiti rin.

“Ahm, Shae, ba’t mo pala kami pinapunta dito?” nangingining tanong ni Cam.

Napabuga muna ako ng hangin saka sumagot. “Cent asked me to be with him for a week. Tanga ba ako at pumayag ako?”

“Talaga? Okay lang ‘yun, kung iyon naman ang gusto mo.” Sagot agad ni Cam.

Napataas ang kilay ko sa agaran niyang sagot. “Ahm, not that gusto ko si Cent for you kasi best friend ko siya kasi..” defense niya sa sarili niya.

“But you like Kaile kasi. And if Shae chose Cent, eh di hindi lang sila ang masaya but your heart too.” Bara-barang sagot ni Kate. Binigyan niya ng sincere na smile si Cam to show her na nothing was taken against her.

“Okay lang, Cam.” I beamed at her.

“Hindi ba pagpapakatanga na iyon, Shae?” nag-aalangang tanong naman ni Iya sa akin.

“You think so?” balik-tanong ko naman sa kanya.

“Uhm..”

“Parang ang tigas ko naman kasi if I said no, hindi lang naman siya ang nagkulang Iya. Isipin mo, hindi naman mahirap na i-contact siya, diba? Sila? If only we tried harder to contact them siguro nakausap natin sila. They didn’t let us know ang pag-alis nila, hell, basta na lang nila tayong iniwan. Then, tayo, what did we do? Nagmukmok lang tayo at dinamdam ang pag-alis nila. We didn’t try to reach them. Tapos ngayong lumalapit sila to ask for another chance, sila na ang lumapit, asking us, begging us, hindi pa ba natin pagbibigyan? Not only we are giving them a chance, pati sarili natin binibigyan natin ng chance.” Mahaba kong sagot.

Teary-eyed na sila nang matapos ko ang sinasabi ko, “When did you grow up, Shae?” tanong sa akin ni Kate. ‘Thank you’ I mouthed sa kanya. Nagpalitan naman kami ng ngiti ni Cam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now