20th Quarter: So Torn

402 12 2
                                    


After naming mag-usap ni Cent, hinatid niya agad ako pauwi. At ngayon, nakatitig lang ako sa kawalan. Nakatitig ako sa kisame ko sa kwarto while nakahiga. Napabuga ako ng hangin.

How come my life is uber dramatic? My life shouldn't be like this!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table and dialed my first love's number.

"Kai.." I utterred.

"Mie.. why?" He asked, his voice husky. Agad kong tinignan ang alarm clock ko, nagulat ako sa oras, 2:00 am na pala.

"Sorry for calling you in a very ungodly hour pero I just need to ask you something.. ahm," pangbibitin ko sa kanya and a deep breath escaped from me.

"Ano yo'n? You can ask me anything and I'll answer it with all honesty," he answered, his voice now is void of any sleep induced huskyness. Suddenly, it was very alert.

"Did you ever love me? I mean, when we were in a relationship for almost two years.. before?" I asked. Masyado nang diretso kung masyadong diretso.. but I needed to know, at least.

Ini-end niya agad ang call without even answering my question. I sighed.

Ganun ba kahirap sagutin ang tanong ko? Hindi niya kaya ako minahal noon? Or di siya aware na minahal niya ako saka lang niya na-realize na may nararamdaman siya sa akin nang mawala ako sa kanya?

Ang galing naman kasi ni Kaile eh, di sumagot! Inaantok pa ata kaya pinatayan ako.

Napakislot ako sa pag-iisip ko nang may parang bumabato sa bintana ko. Agad akong tumayo at hinawi ang curtains para makita kung ano ang dahilan nang ingay na yun.

Napabilog ang mata ko sa nakita ko.

Anong ginagawa ni Kaile sa labas? Sa tapat ng kwarto ko? Kaya ba hindi niya sinagot ang tawag ko kasi gusto niyang sagutin yun nang harapan and not over the phone?

Natuwa ako! That means gusto niyang makita kong sincere siya sa sasabihin niya no?

Nag-ring ang phone ko. At alam kong siya ang tumatawag kasi nakita kong nagsial siya at nilagay sa tapat ng tenga niya ang phone niya. Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Kai.."

"Usap na lang tayo nang harapan. Sasagutin ko ang tanong mo," sabi niya saka niya gad na kinansela ang tawag.

Kung siguro si Mon ang nagpunta sa ganitong oras ng gabi, yung bintana ang bubuksan ko. Kasi, pagtatawanan ko pa kung papaano siyang magkukuyapi sa pag-akyat.

Ba't si Mon na naman?

Agad akong pumanaog at nagbukas ng pinto, pinatuloy ko siya.

"Tubig o coffee?" tanong ko sa kanya.

"Tubig na lang. Baka kabahan ako sa mga tanong mo eh," uneasy niyang sagot. Nginitian ko na lang siya saka ako nagpuntang kusina para kumuha ng tubig namin.

Matapos kong ilapag yung tubig sa center table, naupo ako sa kaharap na upuan niya. Hindi na ako nagsalita, inantay ko na lang siyang sagutin yung naging katanungan ko kanina.

After a couple of minutes of silence, binasag na niya ang katahimikan niya.

"Hindi dahil sa lalaki ako. Mas pwede pang dahilan na bata pa ako. O kaya, ewan ko. Pero, mali ako. Hindi ko kasi agad na-realize ang gusto ko," tumigil siya sa pagsasalita. Hinayaan kong tumigil siya at uminom muna.

"Hindi ko agad na-realize na ikaw na pala yung gusto kong makasama. Kinailangan pang makita kong may Cent na bago ko ma-realize yun. At, kinailangan pang subukin kong makipagrelasyon sa iba para lang malaman na ikaw pala ang gusto ko. Na ikaw yung mahal ko. So regarding sa tanong mo kung mahal kita o minahal kita. Oo, mahal kita! Mahal kita noon, ngayon at alam kong mas mamahalin kita sa mga darating pang araw." Pagtatapos niya.

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now