12th Quarter: Sacred Rule

1.1K 15 2
                                    

12th Quarter

Shae’s POV

Napaaga ata ang pasok namin ni Mon, “Ang aga aga mo naman akong sinundo kasi! Grabe! 30 minutes pa bago ang klase ko oh!” Reklamo ko sa kanya nang makita ko ang oras sa relos ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

“Eh, kasi, namiss kita e.” Nakangisi niyang sabi sa akin.

Namula ang pisngi ko. Ang buong mukha ko na ata sa sinabi niya. Ultimo tibok ng puso ko bumilis na rin.

“Uy, affected!” Biro niya pa sa akin. Hinahanap ko ang dila ko para makapagbigay ng smart-ass reply sa kanya pero di ko magawa. Nagkanda buhul buhol na ata ito e. Haaaaaaaa, Mon!

Inakbayan niya na lang ako saka iginiya sa building namin. Nadaanan namin sa isang mga benches si Iya na nakaupo nakatitig sa kawalan. Nakita ko rin si Bill sa malapit, nakatitig sa kaibigan ko. Longing was evident in his eyes.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nakakatuwa at nakikita kong mahal ni Bill si Iya pero, nakapagmove on na yung kaibigan ko e. Natanggap niya na kung ano ang kinahinatnan ng pagmamahal niya kay Bill. Hindi ko alam kung gusto ko silang magkabalikan. Pero, kung ano man ang maging desisyon ni Iya, andito lang ako.

Akmang pupuntahan ni Bill si Iya nang pigilan siya ni Kaile.

Nagtaka ako! Bakit? Mas lalo pa akong nagtaka nang makita kong nakasunod si Cam kay Kaile. Kailan pa naging magkaibigan yung dalawa? Kagabi lang sila nakapagsolo a?

Bwebwelo na sana ako para sundan sila kaso pinigilan ako ni Mon, “Yaan mo muna. Ibalato mo muna sa kanila ito. You have plenty of time to confront him, them, whatever.”

Tinignan ko lang siya at nagpatianod sa gusto niyang mangyari.

Kaile’s POV

“Bro..” Tawag ko kay Bill na nakatitig sa kawalan.

Kagabi, nakausap ko si Cam. Kahit na nahihiya siya sa akin, sinagot niya naman ng maayos yung mga katanungan ko.

“Matagal na kayong magkaibigan ni Cent?” Tanong ko.

“Uhm, oo eh.” Nangingimi niyang sagot.

“Sa tingin mo, nakabalik na siya?” Tanong ko uli.

“Ahh, simula kasi nung umalis sya.. medyo pinutol ko na yung communication namin. Naglihim siya sa akin. At, saka kaibigan ko na si Shae. Tsaka, tinarayan na naman ako ni Yen..” Nagulat pa siya sa nabanggit niyang pangalan.

“Yen?”

“Siya yung kababata rin ni Cent. Yun nga lang di ko kasundo.” Imporma niya.

“Kaya iniwan ni Cent si Shae?”

“Haa? Hindi! Mahal ni Cent si Shae, at walang romantic feelings yun kay Yen. Baka si Yen meron pa.”

“Ahhh.” I nodded.

“So, sa tingin mo.. babalik si Cent para kay Shae?” Tanong ko sa kanya. Kung mayroon mang nakakakilala kay Cent, maliban kay Bill, si Cam ‘yun, sabi ko sa isip ko.

“Oo. Sigurado akong babalik siya, the only question is when..” Sabi niya. “Shae is Cent’s great love.” Pabulong niyang idinagdag.

Maaari pala ‘yun? Na iisa ang great love namin ni Cent. Na iisa ang great love ng tatlong lalaki. Ang tanong na lang ngayon, sino sa amin ang greatest love ni Shae?

“Ikaw pala.. Kaile, pare?” Sagot ni Bill.

Napalingon siya sa likuran ko, “Cam..” Bati niya. Maski ako napalingon sa likuran ko. Hindi ko akalain na andito siya.

“Mag-usap tayo, Mon.” Sabi niya kaagad. She didn’t ask, iniutos niya, na siyang ikinagulat ko. Akala ko mahiyain ang isang ‘to?

“Ah.. ehh..” Nag aalangan na sagot ni Bill. “Kasi.. kakausapin ko si Chi e.” Sabi niya.

“Ayaw ka niyang kausapin, duh.” Sagot ni Cam sabay irap. Para bang ang imposible nang makausap ni Bill si Iya. “At, saka, Iya na siya ngayon. Ayaw niya na ng Chit.” Dagdag niya.

Nasaktan yung itsura ni Bill. I never thought this day will come na masasaktan itong si Bill. “Hindi ikaw ang magsasabi sa akin niyan Cam. Gusto ko lang magpaliwanag.” Mahina pero mariin na sabi ni Bill.

“Sana naisip niyo ni Cent na magpaliwanag bago kayo umalis noh?” Nang uuyam niyang sabi.

“Cam, pwede iwan mo na lang muna kami, usap lang kami? Yung di ka sana nagsusungit..” Singit ko sa usapan nila.

Huminga silaang dalawa ng malalim. Si Bill ang naunang magsalita, “Antayin mo na lang ang pagbabalik ni Cent. Siya na ang mag explain sa’yo.” Mahina niyang turan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam na malapit na pala ang ‘when’ na sinabi ni Cam sa akin kagabi. Nalalapit na pala. Nakakagimbal.

Kate’s POV

“Yes.” Mariin na sagot ni Cash. “Yes, I am.” Dagdag pa niya.

Akala ko, wala na kami. Bakit ang sakit?

“How could you love her? She’s your sister.” Nanghihina kong sabi.

“I thought too. Hindi pala ako tunay na anak ni dad.” Napatawa siya ng pagak. “Anak ako ni Mommy sa ex boyfriend niya. Shae’s dad was just too kind to marry my mom. Too kind that she forgot his own daughter. Mas pinili niya ang di niya kadugo kaysa sa tunay niyang anak.” Madamdamin na sagot ni Cash.

Ako naman ang nanigas sa gulat sa sinabi niya.

Ang incest na iniisip ko ay di pala pwede. Bakit napupunta na lang lahat kay Shae ang lahat? I don’t want to sound bitter pero, bakit? Marami na siyang pinagdaana, oo, pero..

Agad akong tumalikod. Nakita ko malapit sa building namin na parating na si Shae. Nakaakbay sa kanya si Mon. Kung ako ang tatanungin, Mon is a nice catch. Shae is a natural kapag ito ang kasama. I can say na masaya siya. Physically speaking, gaaah. Nakakapanghina ng tuhod ito. Have you seen Simon Atkins? They’re like twins.

At, nakita ko naman si Bill. Nagulat ako. Is he back for Iya? Pero, Iya has Jeuro.

Minsan, ang nakakabitter talaga ay ito. Yung mga best friends mo, pinag aagawan at ikaw ay natitirang wala man lang nagkakagusto. Ayoko silang masaktan, gusto ko masaya sila. Pero, nasan ang akin? Hindi ba pwedeng mamili na lang sila ng isa. At nang may matira sa akin?

Hindi naman sa sinasabi kong yung napagpilian ang akin. Ex boyfriends aren’t allowed to friends. That’s a sacred rule.

I just want Cash back.

 **********

Pilya's Note: My apologies. Nahiya naman tuloy ako. Hehehe. Pipilitin kong maging regular ang update at sasagutin ko na rin soon ang mga katanungan ninyo. Sorry talaga powszh. Love you!

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon