15th Quarter: My She is his Shamie?

1.1K 19 6
                                    

CENT’S POV

“Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.”

Pre-flight announcement pa lang agad na akong pumunta sa Gate 3, ganyan ako kaexcited na makabalik ng Pilipinas.

Kating kati na akong umuwi dahil sa pambibitin sa akin ni Bill sa mga bagay-bagay. Ayoko ng mas ma late pa.

Nararapat lang naman siguro na I’ll give my all, compete with the others.. to have Shae’s heart back, right?

Hindi na ako nakatulog kagabi dahil sa pagpaplano ko kung paano ko haharapin si Shae. Leaving her behind wasn’t easy. But, coming back after what I did to her, after I hurt her is more difficult. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at the same time, gusto ko siyang puntahan kaagad.

Sobra ko kasi siyang namiss.

Tinignan ko sa likod ko nang tawagin ako ni Yen. Oo si Yen, nakahabol siya sa akin. “Wait..” Sabi niya sa kausap niya sa phone saka niya ako hinarap.

“Masyado ka atang excited. Can’t we just sit there for a moment? May kausap pa ako, Cent.” Kausap niya sa akin.

“I don’t care. Gusto ko ng pumunta run. Sumunod ka na lang kung gusto mo.” Pambabalewala ko. Alam kong harsh ‘yun, but, I just can’t help it. Gusto nila ni Mom na manipulahin ang buhay ko. At, ayaw kong mangyari yun. “And, oo, excited talaga ako.” Dagdag ko saka ako tumalikod.

Gusto ko siyang tulungan sa gamit niya kasi isang carry all lang ang dala ko at marami siyang bitbit pero nagbago ang isip ko. Baka lagyan niya pa ng ibang kulay yung gagawin ko kung nagkataon.

Narinig kong sabi niya sa kausap niya, “Please Mon, I just need a ride. Favor naman? I thought you love me, tapos ride lang ipagdadamot mo pa. Who’s that Shamie ba? I thought ako lang?” Parang bata niyang sabi.

Kawawang lalaki. Minamanipula.

**********

The 15 hours travel is bearable. Buti na lang talaga at hindi ko katabi si Yen.

Kinausap ako nung middle aged na ginang habang nasa biyahe, “Going back to the Philippines, hijo?” She asked me.

“Yes Ma’am.” I answered politely.

“Why? Hindi naman sa dinadown ko ang Pinas. But, I think, generally speaking, life abroad is better for a young man like you. Masyadong magulo dun. If you’ll gonna study, wag muna run. Hehehe.” She laughed softly.

“I think so too Ma’am. With all the controversies na kinakaharap ng gobyerno and with the curent position of the country.. I couldn’t agree more.” Sagot ko.

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now