6th Quarter: Life is complicated

1.7K 25 7
                                    

06

“Bakit ka ba masyadong nag aalala sa kapatid mo ha Cash? Kasama naman nya si Mon. At, alam mong hindi sya mapapano dun. Kaya, relax.” Sabi ko kay Cash. He’s stressing his self kasi. Ngayon na nga lang kami magkakasama tapos I won’t have his full attention pa.

“You don’t understand Kate..” Sagot niya sa akin.

Sa totoo lang, parang hindi ko na siya kilala. After lahat ng nangyari. After the Shey tragedy, ganyan na siya. Parang may itinatago siya sa akin. “Then make me understand  Cash. Yun lang naman yun e. Make me understand. Hayaan mong tulungan kita sa dinadala mo. Kaya, andito ako, hindi ba?” Sabi ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Deep in his thought, napasabunot siya sa buhok niya. “Hindi ako nag aalala na baka may mangyari kay Shey. Nag aalala ako na baka makalimutan niya si Cent.” Sagot niya sa akin.

Pakiramdam ko my jaw dropped sa sagot niya. Paanong yun pa ang naisip niya? Nakita na nga niyang hirap na hirap na ang kapatid niya, tapos, yung gagong yun pa ang iniisip niya. Yung kapakanan ng taong nanakit sa kapatid niya. Itinago ko yung galit at inis ko, I need to know what’s his hiding. “Bakit Cash? Sinaktan niya yung kapatid mo.” Sabi ko.

“I’m not in the right place to answer that, pero, you know, I completely understand him. Ibigay mo na sa akin ito Kate. Mahal ko ang kapatid ko. Gusto ko siyang sumaya. At, sa ngayon, sa tingin ko na kay Cent niya yun mararamdaman. Hindi kay Kaile, hindi kay Mon. Kay Cent.” Saka siya umalis. Walang lingon lingon.

I was stunned sa sagot niya. Sinaktan nun yung kapatid niya. How could he trust him that much? Hindi ko sya hinabol. There are only two sides naman e. The right side and the wrong side, and, obviously my boyfriend, no, my ex boyfriend is on the wrong side.

Kinuha ko ang cell phone ko and placed a call. “Iya, where are you? Kelan ang dating nila Shey?” Tanong ko. “Good.” Ngayon pala ang dating nila Shey. Ayos.

**********

Nung pababa na kami ni Mon, nakahawak lang siya sa kamay ko. Yung security umaapaw sa buong katawan ko. Alam ko, safe ako sa tabi niya. Secured na secured ako. “Alam mo Mon, I never thought na magiging kaibigan kita. You’re my best friend.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

He sighed. “Yeah.. best friend” Sabi niya. I smiled. Nadagdagan na naman ako ng best friends. Nang makababa kami, nag aantay si Kaile sa paanan ng bundok.

“Mie mie. Oh, ang ganda mo ngayon a.” Sabi niya habang kinukuha niya yung back pack ko. I mouthed thank you.

Huminga hinga muna ako saka ako nagsalita. “Eh, Kai. Naalis na yung sakit ang everything e. Uy, infairness ha na miss kita. Hahahaha.” Sabi ko sa kanya.

“Na miss rin kita Miemie.” Sagot niya sa akin. Naramdaman ko yung dati. Yung mga butterfly sa stomach ko andun na naman. Niyakap niya ako and he kissed my forehead. Ginantihan ko rin yung yakap niya. He may be my ex who hurt me like hell noon, at least friend ko pa rin siya. Friend ko na siya.

Mas maganda ata kung friendship na lang talaga ang hahanapin ko. Wag na ako maghanap ng deeper. Mas maganda sa neutral. Sa safe. Hahahaha. Tinignan ko si Mon, he smiled. Pero, pakiramdam ko nakakita ako ng lungkot na napalitan din naman agad ng saya. Niloloko siguro ako ng paningin ko.

Tumalikod na siya at nagpunta kung saan nakaparada ang sasakyan ni Kai. “Hoy. Maubos ako. Halata ngang na miss mo ako. Sobra sobra naman.” Sabi ko sa kanya saka ako kumalas ng yakap.

Sinundan ko na kaagad si Mon sa sasakyan. Nang makasakay na kami, ako ang nasa harapan. Magkaibigan naman yung dalawa, hindi lamang sila close talaga. “Mon, may tubig ka pa?” Tanong ko sa kanya. Nanahimik ang kumag e.

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon