4th Quarter: What am I feeling?

2K 24 6
                                    

"Ang aga mo naman." Yan agad ang bungad ko kay Mon ng pagbuksan ko siya ng pinto bago papasukin sa loob ng bahay ko.

"Kailangan nating makaaga no. Para hindi tayo gabihin sa delikadong station." Sabi niya sa akin. "Tandaan mo, ikaw ang may kailangan sa pag akyat na ito." Pagpapaalala niya sa akin.

Bakit ko kailangan itong akyat na ito? 

Una, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Minsan, mahal ko na uli si Kaile. Minsan naman, mahal ko pa rin si Cent. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. sobrang gulo ko na e.

Pangalawa, isa pang panggulo yang si C. Kung noong una note lang.. Ngayon may kasama ng chocolates o kaya naman bulaklak. Ayoko ng ganun. Yung merong admirer. Para siguro sa ibang babae nakakatuwa siya. Pero, ibahin niyo ko. It's creeping me out. Natatakot ako. Nakakakaba e.

Pangatlo, stressed ako sa dalawang minention ko kaya kailangan ko ng recreation. Ng mapaglilibangan. Gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman kong kaewanan.

And, here I am. Inaya ko si Mon para akyatin ang Mount Pulag. Hindi ko alam kung ilang araw kami dun. Hindi ko rin alam kung tatapusin ko ba yung pag akyat. Gusto ko lang umakyat. Yun na yun. Tapos!

"Oo na. Ako ang may kailangan nito. Mabait ka lang na kaibigan kaya mo ako sinasamahan. Okay na." Pang jack ass ko sa kanya.

"Gusto mo atang mag back ouut ako no?" Tanong niya sa akin habang papasok kami ng bahay. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad.

Hindi ako naiilang sa akbay niya. It feels so normal. Parang walang nakakailang na air kapag nagiging sweet and attentive siya sa akin. Parang dati na naming ginagawa. Hindi kagaya nung sina Kaile at Cent dati. Na tinataasan ko ng kilay.

Feeling ko, security ang daa ni Mon sa akin. 

Mas gusto ko nga siyang kasama kesa kina Kate na e. Kaya, madalas nagseselos sina Kate at Iya sa closeness namin. Nakakalimutan ko na daw ang samahan namin. Which is not true naman.

I love them naman no. Kailangan ko lang ng lalaki sa buhay ko, na walang halong malisya. Paano ba naman kasi, si Cash. Ayun, laging wala. Parang wala akong kapatid na lalaki. Hindi ko alam kung saan siya nagsususuot. Kaya wag niyo kong sisihin kung may mahanap man akong Kuya na iba. 

Well, I don't wang Mon to be labeled as Kuya. It's more appropriate to call him my Best Bud.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Andami naman niyan. Sinabi ko sayong walang tutulong sa'yo na magbubuhat ng gamit mo. Hindi tayo tutulungan ng mga mountaineer."

"Hindi nila tayo tutulungan. Pero, tutulungan mo naman ako e." Walang kyeme kong sabi sa kanya.

"This time hindi kita tutulungan. Bahala ka sa buhay mo!" Mon

"Ouch naman. Kala ko ba mahal mo ako?" Shey

"Oo nga. Mahal kita. Kaya nga ko nagpahila para umakyat diba?" Mon

"Sulit sulitin mo na. Kargahin mo na ang gamit ko." Shey

"Marami akong dalang tubig. Mabibigatan ako sa gamit mo." Mon

Nag pout ako para maawa siya pero hindi siya naawa. Nakakainis! Immune siya sa pout ko. Pag si Cash, pinagbigyan na ko nun. Kinuha niya sa akin yung bag ko saka niya pinakealaman.

Tinanggal niya sa bag ko yung mga gamit na sabi niya di ko daw kakailanganin. Inihagis niya sa kung saan yung travelling pillow ko. Pati na si teddy bear ko inalis niya sa bag ko. Masyado daw akong maraming damit, binaawasan niya.

Fade Away (Just A Rebound 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora