23rd Quarter: Give me a week

398 15 7
                                    

SHAE

Nakatambay ako sa isang teahouse sa loob ng University ngayon. As usual, kapag nakatambay ako dito, kasama ko ang mga girls which comprises of Iya, Kate and Cam. Never ko pang naaya sina Mon dito, ang tumambay daw sa colorful na teahouse ay wala sa vocabulary nila. They can’t appreciate the vibrant colors of the teahouse! Para sa akin, napapasaya ako ng mga kulay and the tea helps me relax my nerves –ang nagkakarambulan kong emotions na dulot nila!

“Tinawagan ako ni Yen, last night,” pagbibigay-alaam ni Cam sa amin. Nakasimangot siya while saying that. Tipong mapait sa dila niya ang bigkasin ang pangalan ni Yen.

“Sino uli si Yen?” tanong naman nitong si Iya. “Malaman-laman ko lang na babae ‘yan ni Bill.”

“Ano naman gagawin mo kung babae ni Bill ‘yon?” tanong agad ni Kate. Halos di pa nga tapos ni Iya sabihin ‘yung gusto niyang sabihin, nakatanong na kaagad si Kate.

Oo nga naman, sino ba ‘yang si Yen?

Naging uneasy si Cam. Parang ayaw niyang sumagot at nakatingin lang siya sa akin habang pinag-iisipan kung sasagot ba siya sa tanong o hindi. Nang sumagot siya, nakatitig lang siya sa akin, “Actually, kagaya nga ng sabi ko noon, childhood friends siya nila Bill sa other side. Kaya other side, di kasi kami magkasundo. Tapos, ngayon, si Cent ang puntirya niya. The reason of the call was.. uhm, she told me.. that, uhrm, I don’t have a place to Cent’s life na daw because she’ll be the best friend and the wife any time soon. Her words.”

That. Stung!

May itinatago ba si Cent sa akin? I thought he’s here to make me love him again?

“Shae, hear him first. I’ve talked to your brother. Hindi sa pinapatawad ko na siya and all, but, hear him or them first. Maliliwanagan ka by doing so,” paalala ni Kate sa akin.

Sa sobra kong tense hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang milk tea ko. May ilang tapioca pearls na lang natitira. Sa sobrang di ko alam an pinaggagawa ko, inanggulo-anggulo ko ang cup ko para makuha ko lahat ng pearls.

“Hoy, Shae! Umayos ka nga!” suway sa akin ni Iya.

“Isipin mo! I love Cent and Kaile both. Pero, kapag may Yen sa picture, malamang si Kaile na lang ang pipiliin ko,” bigla kong sabi.

Para namang nalunok ni Cam ang tapioca pearls niya sa sinabi ko. Umubu-ubo siya, “Sorry, it went to the wrong pipe,” hinging-paumanhin niya.

Gusto nga kaya talaga ni Cam si Kaile?

Then, I would end up choosing no one!

_

Pumasok na kami sa class namin. Eto yung class na magkakaklase kami. Nagulat ako nang pumasok kami kasi nasa loob ng classroom sina Kuya, Cent at Bill.

Seatmates naman kami ni Kaile dito. Nang makaupo ako, hindi pa rin naaalis ang atensyon ko sa tatlo, “Ginagawa ng ex mo dito?”

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now