21st Quarter: I will make you love me again

413 15 23
                                    

21st Quarter

Matapos kong ilatag ang mga pinamili ko sa giftshoppe kanina agad akong tumayo sa isang tabi para makita ko ang magiging reaksyon na si Cent.

Nakita ko kung papaano siya natigilan nang mabasa niya ang nakasulat. Oo, She ang ipinangalan ko sa kanya. I thought it would be rightful to name her that kasi yun ang pangalan ko, ang endearment sa akin ni Cent. Para na ring si Cent ang nagpangalan sa kanya hugot nga lang sa pangalan ko.

Ang tagal niyang nabato sa kinatatayuan niya. Parang hindi niya alam kung saan siya lilingon, kung ano ang mararamdaman niya. Ang blangko nang Cent na ito that even seeing him like this makes my heart ache all over again.

Parang kahapon lang ulit nang ibaon namin dito si baby.

“Cent..” tawag ko sa kanya when he spaced out.

“She..” he uttered; puno nang katanungan ang mukha niya – mga tanong na sa tingin ko di na niya mausal sa nag-uumapaw at sari-saring emosyon na namamayani sa kalooban niya.

Huminga muna ako nang malalim saka nagsalita.

_

CENT

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong tumigil na sa paglalakad si She, buti naman. Napagod ako dun. Actually, tinatamad na akong maglakad. Hindi lang ako makapagreklamo kasi nararamdaman ko ang kaseryosohan ng sitwasyon.

Binigyan ko muna siya ng konting sandali ng privacy pero nang masilip ko ang nakasulat sa pinaglapagan niya ng kandila..

I saw..

I cleared my throat. I saw my pet name for her. Ibinaon na nga kaya niya ako? Wala na ba akong babalikan? Wala na bang pag-asa pa? But, when I looked down. I saw the date. That’s roughly a month or so after I left.

Did we..?

Had we..?

Parang may bikig sa lalamunan ko na hindi na matanggal kahit na anong pag-clear pa ng lalamunan ang gagawin ko.

Nilingon ko siya. At, dun, nakita ko.

Yes, we did.

Yes, we had.

Panay past tense kaya siguro isa na rin akong past tense.

“Cent..” mahina niyang bigkas sa akin.

Wala akong naging sagot. Ano ang sasabihin ko? Ang tanga ko! Hindi naging maganda ang kinalabasan nang ginawa ko. Nang dahil sa ginawa ko nagbago ang lahat, nasira ang lahat.

I thought I was protecting her. I thought wrong.

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now