18th Quarter: Make Things Right

1.1K 22 18
                                    

CASH'S POV

"Kate, kita tayo. Ngayon na." Pahayag ko agad pagkasagot niya sa tawag ko. Hindi ko na inantay na umangal pa siya. Kasi, sa tulad niya, never kang mananalo. Si Kate yan e. "Dun tayo sa tambayan namin nila Cent nun sa campus nyo." Dagdag ko saka ko ibinaba yung cellphone ko para makatawag uli.

"Bill, man. Ngayon na. Siguruduhin kong kasama mo pinsan mo, ah?" Paniniguro ko. "Sa dati, man. Saka mo na suyuin si Iya. Let Jeuro have his chance, pre. Lagi na lang ikaw e." Dagdag ko.

Kung tutuusin, kahit ganun si Bill. Babaero. Manloloko. Siya pa ang swerte. Mahal na mahal siya ni Iya e.

Napatawa ako ng tahimik. Sa tingin ko, mahihirapan naman siya ngayon. Nagpakatanga sa kanya yung babae nun e. Mahihirapan 'yun.

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Pareho nga ata kami ng kapalarang magkakaibigan. Maghahabol kami ngayon.

Ano yung sabi ni Kim Chiu? Habulin raw ang happiness mo. Sa nagagandahan ako kay Kim Chiu kaya alam ko 'yan e. At, dahil nagagandahan ako sa kanya, susundin ko ang sinasabi niya.

Hahabulin ko si Kate.

Hahabulin ni Bill si Iya.

Hahabulin ni Cent si Shae.

Diko alam kung sino pa ang makikihabol kay Shae.

**********

CENT'S POV

"Insan naman, bilisan mo. Bakit ba ang tamad mo? Pre, wag nating pag antayin si Cash. Lahat tayo may hinahabol, ah?" Pangaral niya sa akin.

Tae! I don't need to be reminded. Alam ko naman na 'yan e. Sa kinakabahan at natatakot nga ako. Letch. Alangan namang aminin ko dito "yun? Bubuskahin lang niya ako.

"Insan, hahabulin ko pa si Iya. Buti sana kung di nakikihabol si Jeuro e, kaso pursigido rin yung gago. Pre, bilisan naman." Reklamo niya pa.

"Oo na!"

Sumakay agad kami ng kanya kanya naming kotse saka pumunta ng Uni. Buti na lang at binilhan ako ni Bill ng carpass last week kundi magkakaaberya pa.

Diretso kami sa parking lot malapit sa kini forest. Dito raw kami kikitain ni Cash e. Wala pang tao run nung makarating kami.

Umupo na lang kami sa bakanteng upuan.

Nakita ko yung paratung na pigura nang dalawang tao. Nang makalapit sila, nagulat si Kate.

"Cash, you've got to be kidding me. Ba't mo ako isinama rito?" She asked incredously.

"Isinama kita para di kung anu ano naglalaro sa marumi at magulo mong utak." Paliwanag ni Cash. "At, si Cent magpapaliwanag para maniwala ka. Dika rin naman maniniwala sa sasabihin ko, kaya sa ibang tao na lang mangagaling, ok? Makinig ka ha." Dagdag ni Cash.

Ako naman ang nagulat. Ako, mag eexplain? Akala ko ba kay Shae lang ako magpapaliwanag?

Tinignan ako ni Cash as if urging ne to start. "Man.." Nasabi ko na lang.

"Kung gusto mong back upan pa kita, magpaliwanag ka na ngayon na."

So, wala akong nagawa kundi magpaliwanang. Yung sa sakit ko. Yung sa ginawa namin ni Cash.

"So, ba't ka nagoapadala ng sulat?" Tanong ni Kate. "Sisirain yun ng plano mo na limutin ka ni Shae."

"Anong sulat? Never akong nagpadala a." Sagot ko.

"Pero..."

"Ah, diskarte ko na 'yun." Singit ni Cash.

"May gusto ka rin kay Shae, Cash?" Tanong ni Bill. Binatukan ni Cash sa tinanong niya.

Fade Away (Just A Rebound 2)Where stories live. Discover now