Kabanata 25

31 5 0
                                    

Turn Back Time: The Dread

Palakpak at sigawan ang sumalubong sa isang estudyante pagtapak pa lamang niya sa entablado. Malawak ang kaniyang ngiti habang tinatanggap ang diplomang naglalaman ng katibayan sa kaniyang pagtatapos sa Pamantasan ng Greywood at mga posisyong kaniyang pagpipilian bilang trabaho pagkatapos ng seremonyang iyon. Hindi na makapaghintay pa ang binatilyo na mabuksan ang diploma na mababakas sa malawak niyang ngiti habang naglalakad pababa ng entablado. Siya ay walang iba kundi ang nangunguna sa pagtatapos ng taong panuruan na iyon; si Arcos Soleman Ravladis Genova o mas kilala lamang sa tawag na Arcos Ravladis.

“Arcos, congrats!” halos tumili na ang kaibigan niyang si Ignis habang sumasalubong sa kaniya sa baba ng entablado. Nang tuluyang nakababa ay sinalubong siya nito ng yakap bilang pagbati. “Kaya idol kita e! Sino ba namang mag-aakala na magiging class valedictorian ka e uhugin ka lang noong unang pasok mo rito?” natatawang komento ni Ignis na ikinasimangot ng kausap. “Biro lang! Ito naman, halika tingnan na natin ‘tong laman ng diploma mo.”

“Dahan-dahan baka mapunit,” suway ni Arcos sa kaibigan sapagkat mabilis nitong inaalis ang selyo ng nakalulon na diploma.

“Hindi yan! Sigurado naman akong kahit masira ‘to, sealed na ang future mo sa Cosmos. For sure team leader ka agad sa weaponry o pwede ring laboratory,” ani Ignis na ikinangiti ni Arcos. Iyon din kasi ang gusto niya lalo pa at magagamitan ang mga ito ng mahika na subject kung saan siya higit na nag-e-excel.

Masigabong palakpakan ang sumunod kaya hindi niya gaanong narinig ang binasa ni Ignis mula sa diploma. Hindi rin siya kaagad na sumulyap roon sapagkat nasa entablado ang susunod na mamumuno sa Estrella na walang iba kundi si Theodore Gustamando na parte rin ng batch na magsisipagtapos sa araw na iyon. Ito rin ang salutatorian ng klase sumunod kay Arcos.

Si Arcos man ang valedictorian, ayon sa mga elders ng Cosmos ay nararapat na si Theodore ang magbigay ng talumpati sa pagtatapos kahit pa pumapangalawa lamang ito kay Arcos. Nang malaman niya ito ay wala na siyang magawa sapagkat elders na ang nagsalita kung kayat tinanggap na lamang niya. Naroon din naman si Ignis para pagaanin ang kaniyang loob. Matagal na niyang alam na kahit anong aral ang gawin niya at kahit hindi na siya matulog kakaensayo buong gabi, hindi pa rin niya mahihigitan si Theodore. Maaaring siya ang nangunguna sa klase ngunit si Theodore naman ang nangunguna sa Estrella. Lagi siyang pumapangalawa kahit kaya niya naman itong lampasan. Bagay na hindi maintindihan ni Arcos magmula pa noon.

“—at ngayon, nais kong i-anunsyo ang napili kong kanang kamay sa pamumuno sa bayang ito. Isang taon na rin magmula nang pumanaw ang aking ama kung kaya't nararapat na hawakan ko agad ang posisyon pagkatapos ng araw na ito.” Ang halos lahat ay humihiling na tawagin ni Theodore ang kanilang ngalan. Isang karangalan kasi ang maging kanang kamay ng pinuno.

“Ang aking napili ay walang iba kundi si Arcos Soleman Ravladis Genova. Natitiyak kong magagampanan niya nang mabuti ang posisyong iniaatang ng Cosmos sa kaniya.” Itinaas ni Theodore ang micropono tanda ng pagtatapos ng talumpati habang nakangiti sa kinaroroonan ni Arcos na tila ba nabingi sa narinig.

Kabi-kabilaan ang pagbati sa kaniya ng mga estudyanteng nasa paligid na hindi niya magawang tugunan pabalik. Hindi niya lubos makuha ang nangyayari at hindi niya ito matanggap. Hindi na nga niya namalayan kung paano siya nagawang ialis ni Ignis sa kumpulan ng mga taong bumabati sa kaniya bilang bagong kanang-kamay ng pinuno ng Estrella.

YUKOT at hindi na halos mamukhaan ang diplomang nakapatong sa lamesa ng bahay ni Ignis. Lulong sa alak at iyak ang binatilyong si Arcos habang paulit-ulit na tinatanong ang kaibigan ng mga ‘bakit’. Wala namang magawa ang babae kundi hayaan itong manangis sa pagkabigo sapagkat kung may isang taong nakakaintindi sa nararamdaman nito, si Ignis iyon. Bata pa lamang ay kilala na niya ito at alam niya ang nag-iisa nitong pangarap.

RESETOù les histoires vivent. Découvrez maintenant