Kabanata 13

30 5 0
                                    


Alone Again


"CROX . . . Crox!"

"Hey, I'm here."

Halos maiyak ako nang makita si Crox na paparating. Hawak niya sa kabilang kamay ang tumbler ko at sa kabilang kamay naman ay mga maliliit na sanga. Umupo siya sa tabi ko. Nasa gubat pa rin kami.

"Kumuha lang ako ng tubig," aniya at iniabot sa akin ang tumbler.

"Where? As far as I remember, I am in the southeast of Himaraya. Ang sabi sa mapa, nasa southwest to northwest ang ilog."

Tumango siya at nagsimula nang ayusin ang mga kahoy na dala. Ayon sa cellphone kong wala pa ring signal, mag-aalas kwatro na ng hapon. Hindi ako matulungan ni Crox na makalabas ng gubat sapagkat nanghihina rin siya kagaya ko. That creature badly wounded him and the pain is preventing him to use his power so we can't travel fast like what he always do. Now, we have no choice but to walk and he has no choice but to stay here with me since he can't go to other places to grant wishes of—err souls. Ang weird pa rin ng trabaho niya para sa'kin.

But I like it this way. I might be selfish but I don't want to be alone. Again.

"Totoo iyon. I just found a well meters away from here. Mukha namang malinis. Doon ako kumuha ng tubig."

"Balon? At ang sabi mo ay malinis . . ." napatayo ako bigla ngunit muntik pang matumba nang sumakit ang tagiliran kong nahampas nga pala ng buntot ng sigbin.

"Careful," paalala ni Crox habang inaalalayan akong umupo ulit sa lupa.

"Crox, hindi mo ba na-ge-gets? May balon at malinis ang tubig! If it is an abandoned one, dapat madumi iyon at napupuno ng alikabok at dahon!" bulalas ko. Binuksan ko kaagad ang tumbler at itinaktak ang laman nito sa takip na kulay puti. "See? Walang alikabok ang tubig! Sigurado akong may gumagamit no'n na nakatira lang malapit dito!"

"Who would live in the middle of a forest? With wild animals and some wicked creatures?"

"There must be! Matutulungan nila tayong makalabas dito sa gubat kung sakali. At kung nakatira sila rito sa gubat, maaaring may mga alam din sila tungkol sa halamang gamot. They can treat us both, hindi yung ganito na puro tela na ang katawan natin para pigilan ang dugo sa mga sugat dahil pareho tayong walang alam sa herbal medicines. You . . . you can also go back to your work as soon as possible," paliwanag ko.

Hindi niya iyon pinansin. He just looked at me with an uninterested stare.

"It is too dangerous to trust anyone here. Just eat up these fruits and get some sleep so we can continue walking out of this forest. We don't need anyone's help."

Sabi ko nga.

Labag sa loob na kinain ko ang mga manggang nakuha ni Crox kanina. Maasim. But I don't have any choice. This is better than the bland taste of that energy bar.

Matapos kumain ay inasikaso ko naman ang balisong ko— I mean, ni Carla Cy. Ang laki ng naitulong nito sa akin though nakakadiri ang dugo ng sigbin na nanigas na sa metal. Hindi ko kasi agad nalinisan dahil mas abala kami kanina sa paglalakad patungong norte ng gubat.

"You're good at using that," ani Crox na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

"Yeah, he used to say that," mahina kong sabi at mukhang hindi naman niya narinig. Gayunpaman ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin na para bang ina-analyze ang buong pagkatao ko.

RESETWhere stories live. Discover now