Kabanata 10

54 5 0
                                    


The Ghost Train of Himaraya


I WOKE UP in a sidewalk as the rain started to pour.

Kahit na pupungas-pungas at nalilito ay wala sa loob kong hinila ang maleta na nasa tabi ko pa rin at ang backpack naman ay nakasukbit pa rin sa aking likuran. Nang tuluyang lumakas ang ulan ay nakapasok na ako sa pinakmalapit na pasilidad kung saan bukas ang lahat ng ilaw sa loob. Basa ang kasuotan ko pero dahil walang sekyu sa entrace ay nakapasok agad ako. Balak ko lang sanang magpatila roon ng ulan pero dinala ako ng mga paa ko sa dulo ng pasilidad kung saan mayroong labasan.

While walking, I figured out where was I. I'm in a railway station. Luma na ang estasyon. Samantalang ang riles ay may bahid na ng kalawang. Talahiban ang nasa kabilang bahagi ng riles. Walang katao-tao rito maliban sa akin. Hindi ko tuloy alam kung abandonado na ba ito o hindi.

Umupo ako sa isang upuang gawa sa kahoy. Infairness, ito ang pinakamalinis na bagay na nakita ko sa lugar na ito ngayon.

Nang mag-angat ako ng tingin sa dulo ng railway station ay nakita ko ang isang karatulang lumang-luma na at kupas ang kulay dilaw na pintura pero nababasa pa naman ang mga letra.


Himaraya North



May arrow na nakaturo sa kanang bahagi ng riles sa ibaba ng karatulang iyon. The last time I remember, nasa Himaraya South ako. At kung hindi rin ako nagkakamali ay sa dalawang district lang nahahati ang bayan ng Himaraya which is ang North at ang South. So does it means, nasa Himaraya South pa rin ako? Pero bakit ako nagising sa sidewalk matapos mahimatay sa loob ng tindahan ng isang err— Diyosa?

I checked my things while waiting for the rain to stop falling from the clouds. The reason of why I woke up in a sidewalk after I fainted is still not clear to me but one thing is for sure. The store of Anagolay is true and it is not an imagination of mine.

Bakit?

The bow and arrows that I saw in her store suddenly appeared on the stool next to where I am. Wala naman ang mga ito kanina noong dumating ako. Nasisiguro ko rin na ito nga ang ipinakita niya sa akin. Ang pinagkaiba lamang ay hindi na ito nakasilid sa kahon. Nasa backpack ko na rin ulit ang flashlight ko at kung meron man akong napansin na hindi maganda sa mga nangyari ay nang matuklasan kong halos ¼ na lang ang matira sa makapal na salaping ibinigay ni Carla Cy.

Akala ko nagbibiro lang siya noong sinabi niyang kailangan kong tubusin. Pero first of all, hindi ko rin naman sinabing kukunin ko ang pana at mga palasong ito. It's not that I want to be a huntress. Ngayon, hindi ko tuloy alam kung makakarating pa ba ako sa Springville sa estado ng budget ko.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ugong ng makina at naningkit ang mga mata ko nang makita ang isang lumang tren na paparating galing sa kanluran. Umuusok pa ang bandang itaas nito at maingay ang tunog ng makina.

May nag-e-exist pa palang ganito kalumang tren? Eh parang kakalas na ang bawat parte nito, e.

Tumigil ang tren sa harap ko. I mean, sa harap ng railway station. Nag-aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi pero sa huli ay binitbit ko rin ang lahat ng gamit ko para makasakay roon. Pahirapan pa nga dahil sa dami ng dala ko.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon