Kabanata 17

35 5 0
                                    


Team Mayari


SEPTEMBER 27,  days have already passed since we got here in the hidden civilization in Sta. Catalina which is called Estrella. We have never been outside of the House of Louna but it's totally fine. Nagagawa naman naming bumisita sa headquarters ng Mayari kapag hindi lumalabas ng Estrella ang grupo nila.

"Ang mga tao rito sa Estrella ay well, hindi normal. We came from the lineage of a tribe who's been blessed by the deities. Mayari, Hanan and Tala are the three major deities in this civilization. Therefore, once you enter the Academy, you will automatically know which group you belong for the the rest of your life based on the power that you possessed," Sabrina explained to me.

"At lahat kayo rito ay . . .?"

"We are The Mayari.  The elders from hundred years ago decided to just name the team next to it's guardian as we possessed the power of the moon and Mayari is the deity of it," aniya.

"Then, parang kayo yung first section gano'n?" tanong ni Amber.

Natatawang umiling-iling si Sabrina. "Just because we're in the upper floor compare to Hanan and Tala, it doesn't mean that we are higher than them in terms of rankings. Huwag niyong pansin ang floors sa building na ito. Its a trick!"

"Kung gano'n ay sino ang may pinakamataas na ranggo sa tatlong grupo?" I asked out of curiosity.

"Well, as of the moment, kami."

Amber clapped her hands. "Edi kayo nga! Bakit sabi mo hindi?" bulalas niya.

Sabrina winked at her. "That was also a trick."

Amber groaned but didn't said anything. Sa ilang araw na pananatili namin dito ay never pa siyang nanalo kay Sabrina.

Nandito kami ngayong tatlo sa headquarters ng Mayari. Wala na kaming iba pang kasama. Nasa labas ng Estrella sina Hina at Nicholas para raw sa isang task. Sa katunayan ay kasama nilang umalis si Sabrina dalawang araw na ang nakararaan pero kahapon lang ay bumalik sila para ihatid si Sabrina dito dahil napuruhan siya ng kalaban. Kaya ito s'ya ngayon, maghapong nakaupo sa couch ng headquarters dahil may benda ang binti at hindi siya makatatayo kung walang alalay.

Hindi pa rin malinaw sa akin ang paraan ng pagiging tracker nila pero sigurado ako sa parteng ang hinanap nila ay ang mga non-humans na nakalagay sa mapa ni Ms. Carla The mythical creatures that happened to be true. Breathing the same air that I'm breathing. Alive and existing. 

Si Vladimir naman ay laging kasama ni Crox at siya rin ang nagpapahiram ng mga damit dito. Hindi kasi pwedeng magsuot ng puting cloak si Crox dahil matatakot ang makakakita sa kaniya lalo pa at lahat ng tao rito sa Estrella ay may ability na makita ang tagapagpatupad kahit buhay pa sila at humihinga pa ng ayos.

Rema is the youngest but she turns out to be the busiest among them six. Palagi siyang wala sa House of Louna at nakikita ko lang siya tuwing hapunan. She turns out to be the head of this civilization despite of her age. At kung bakit ay hindi ko alam. Lagi siyang naroon sa isang malaking building ilang kalye ang layo sa House of Louna.

While Elvira, I only saw her thrice eversince I got here. Kadalasan ay kahit sa hapunan, hindi siya sumasabay sa pagkain at madalas din siyang tahimik. No, hindi talaga siya magsasalita kung hindi mo tatanungin. Hindi siya kasama nina Hina sa labas pero wala rin siya rito sa headquarters.

"What's with Elvira?" I suddenly asked.

Umangat ang isang kilay ni Sabrina. "Curious cat?" natatawa niyang sabi. For the past couple of days, I've learned that my first impression about her is definitely wrong. Akala ko noon ay katulad siya ni Elvira at Hina na hindi palasalita at matalim kung tumitig pero nangyayari lang yata iyon sa tuwing nasa kalagitnaan siya ng trabaho. Where she became more serious.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon