Kabanata 4

56 6 0
                                    


I Met My Former Boss


"HINDI kaya mapapansin ni Ma'am 'to?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong ko na ito kay Amber.

"Hindi 'yan, akong bahala," aniya habang nakasubsob ang mukha sa counter. Bukod sa inaantok na ay sa aming dalawa, siya talaga ang pinaka-masama ang pakiramdam dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Nang matumba kasi kami ay tumama ang balakang niya lamesita bago sa sahig.

Muli kong pinagmasdan ang frame na naglalaman ng logo ng coffee shop ni Mrs. Dewyene. Dati kasi ay nasa pinaka-itaas ito nakasabit pero ngayon ay nasa gitna na. Kailangan kasi naming tabunan ang tatlong butas sa pader na isang sentimetro lang ang layo sa isa't isa dahil sa mga palaso.

Speaking of palaso, sinunog ko ito sa likod ng silid namin ni Amber. Ewan ko ba, habang tinitingnan ko ang mga iyon kanina ay kinikilabutan ako. At isa pa, wala akong ideya kung sino ang nagtangkang pumana sa akin o 'di kaya'y kay Amber.

Nakakatakot kalaban ang isang nilalang na hindi mo nakikita o hindi mo alam kung sino.


"Good morning, girls!"


Agad napatayo si Amber at kitang-kita ko ang bahagya niyang pag-ngiwi dahil sa iniindang sakit ng balakang.

"Good morning po," bati ko kay Mrs. Dewyene na kapapasok lang. Alas sais na nang umaga at off duty na namin ni Amber. Hindi ko nga alam kung paano n'ya nama-manage ang coffee shop nang mag-isa, lalo pa at maraming customers tuwing umaga. Hindi rin naman siya natutulungan ng anak dahil grade six pa lang iyon.

Naglakad siya papalapit sa counter kung nasaan kami at halos manlambot ang tuhod ko nang dumako ang tingin niya sa likod ko. Kung nasaan ang bilog na frame na naglalaman ng logo ng coffee shop.

"Bakit . . . bakit nabago 'yung placement ng frame? Airen? Amber?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Napalunok ako nang ilang beses dahil hindi ko alam kung paano sasagot nang hindi kami napapahamak. I'm not a good liar, according to Sister Mely, the one who raised me in the orphanage.

Agad na lumapit sa kaniya si Amber habang may malawak na ngiti. Yung ngiti n'yang labas lahat ng ngipin sa harap at naniningkit pa ang dalawang mata.

"Ma'am, ang sakit ng ulo ko. Alam n'yo po ba kung bakit?" wika ni Amber at agad namang sumagot si Mrs. Dewyene. "Oh, bakit?"

"Ma'am, nakikita n'yo yang frame na 'yan?" aniya at itunuro ang frame na nasa likuran ko. "Nahulog 'yan kagabi! Sa mismong ulo ko pa po talaga. Buti na lang po at nasambot ni Airen kaya hindi nabasag. D'yan na po namin nilagay kasi mas maganda naman pong tingnan kapag nasa gitna." May pa-pikit effect pa siya na akala mo'y nasasaktan talaga habang hawak-hawak ang ulo.

Napatakip si Mrs. Dewyene sa bibig dahil sa gulat. "Naku! Pasensya na Amber! Ako lang kasi ang nagkabit no'n kaya palpak. Oh siya,mas mabuti nga'ng d'yan na lamang iyan sa gitna para kung mahulog man ulit ay wala nang ma-disgrasya, at hindi rin siguro mababasag dahil mababa naman ang kinalalagyan," paghingi ng paumanhin ni Mrs. Dewyene at paulit-ulit pa iyon hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng coffee shop ni Amber. Kumindat pa sa s'ya sa'kin nang makalabas kami at proud na proud s'ya sa ginawa samantalang ako ay nilalamon na ng sariling konsensya.


She's a good liar. I'm hoping that I will not going to be a victim of those lies.



ALAS OTSO ng gabi, nagising ako hindi dahil sa alarm sapagkat naka-set iyon nang 9:00 PM. Pinakiramdaman ko ang paligid sa pag-aakalang guni-guni ko lang ang naririnig na ingay ngunit hindi.

RESETWhere stories live. Discover now