Kabanata 1

93 13 5
                                    


We Tried To Save Them


TODAY WAS JUST A TYPICAL DAY, or so I thought. A bowl of cereals was now scattered on the white floor after a couple of bloody memories flashes in my mind as if it was a movie clip.

Ang sakit sa ulo at para itong pinipiga. Napakapit ako sa lamesa upang hindi tuluyang mawalan ng balanse. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga alaala sa isip ko hanggang sa tuluyan kong maintindihan at maalala ang nais iparating nito.

I died.

I died in the last week of October. In the hands of a faceless killer.

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig. Hindi ako makapaniwalang — namatay talaga ako noong gabing iyon.

Kahit nanghihina ay tinakbo ko ang pader kung saan naka-pako ang isang mahabang salamin. Agad na dumako ang tingin ko sa aking leeg at napahawak roon. Wala ang pasong natamo ko mula sa killer. Ilang ulit ko itong hinawakan upang makasigurado pero wala talaga.

Bumaling naman ang tingin ko sa aking buhok na dati ay hanggang baywang ngunit ngayon ay hanggang balikat na lamang. Ang mga kagamitan din sa kwarto ko ay kulang-kulang. Agad akong napatingin sa kalendaryong nakasabit sa pader at agad na dumako ang tingin sa date na wala pang check gamit ang pulang marker.


September 3, 2020


"If you badly want to be better, I will give you a pen you should sign this paper. Then I will take you back to September. In that case, your life, are you ready to reset?"

So he really did turn the time back and sent me back to September, huh? A month before my death. It's a little bit weird to say, but I guess I needed to accept the fact that I got resurrected — and this is my second life now.

This is so fine, I guess?


I started to pack my things. Buti na lang at narito pa ang maleta na ibinigay sa akin ni Sister Mely noong umalis ako sa orphanage. Yes, I grew up in an orphanage since my mother was only eighteen when she got pregnant at wala siyang itutustos sa akin ayon sa kwento ng mga nagpalaki sa 'kin sa ampunan. Hindi naman iyon big deal sa akin. Besides, mababait ang mga tao sa orphanage. And if you're thinking that I left them to find my biological parents, you're wrong. They don't care about me and neither I. The feeling is mutual.

After almost one hour nang pag-eempake ay natapos din ako. Isang malaking maleta at isang backpack. Must be thankful na wala pa akong trabaho ngayon kaya wala pa masyadong gamit. Idagdag pa na meron akong isang libo sa wallet. Kasya pa naman siguro iyon na pangtustos sa mga basic needs ko hanggang sa makahanap ako ng trabaho.

Hindi ko nga lang alam kung saan ako pupunta. Sa mapa ko lang nakikita ang mga bayan na kalapit ng La Vienna pero ni minsan ay hindi pa ako nakalabas sa bayan na ito. Wala akong mapupuntahan pero kailangan kong umalis. Bukod sa iyon ang sinabi ko sa misteryosong lalaki na nagbalik ng buhay ko, hindi ko na rin kayang manatili sa apartment na ito dahil kahit saan ako tumingin, ipinapaalala ng apat na sulok ng silid na ito ang nangyari noong gabing iyon. Hindi rin naman ibig sabihin na buhay ako ay hindi na mauulit ang nangyari. Kaya habang maaga pa, lalayo na ako dahil ayokong mamatay ulit sa kamay ng nakakakilabot na nilalang.

Kapag naiisip ko ang hitsura n'ya, kinikilabutan pa rin ako. Alam kong wala siyang mukha but seeing that creature face to face is not advisable. Ngayon ko lang din napagtanto na walang saysay ang research ko sa loob ng ilang taon. In the end ay wala pa rin akong laban sa kaniya. May napatunayan ako, oo. Pero walang laban ang kaalaman ko sa lakas niya. No wonder kung bakit — napatay siya nang walang kalaban-laban.

RESETWhere stories live. Discover now