Kabanata 26

6 1 0
                                    

Journey to the Hell

HINDI KO matanggap. Out of all people, bakit kailangan na s'ya pa? Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Napakaraming tanong na gumugulo sa isipan ko na isa lang ang maaaring makasagot nang buo; si Crox.

“Airen, okay ka lang ba?” tanong ni Amber. Siguro napapansin niya na kanina pa ako tahimik matapos ang kwento nila. Pinilit kong ngumiti. Ayokong maging sagabal sa misyon na ito. Masyado na akong naging problema ng grupo at ayokong paganahin ang emosyon ko sa mga oras na ito dahil wala rin naman itong mababago sa mga nangyayari.

“Oo naman, nabigla lang ako sa revelation pero okay lang ako.” Napatango si Amber at sumandal ulit sa bintana upang pagmasdan ang daan.

“Airen, ngayong alam mo na kung sino talaga ang kalaban, matutulungan mo pa rin ba kami?” bakas ang pangangamba sa boses ni Sabrina. Bahagya akong natawa. “Hindi ako natatakot sa kanya, Sabrina. At mas malaki ang advantage natin dahil kilala ko siya at kung saan sya nakatira. Marami akong tanong na si Crox lang ang makakasagot kaya tutulungan ko pa rin kayo sa misyon na ‘to.”

“Oo nga pala, hindi ba Alexander Saldivar ang tunay na ngalan ni Crox? Bakit siya dinakip ni Arcos e ‘di ba anak n‘ya ‘yon?” nagugulumihang tanong ni Nick.

“Who knows, nakipagkasundo nga sa demonyo dati ‘di ba? Nakakagulat pa ba ‘yon, Nicholas?” bulalas ni Sabrina.

Napakunot ang noo ko sa usapan ng dalawa. “Teka, teka! Dati n‘yo pa alam na anak ni Arcos na may dark history background si Crox, pero hinayaan nyo pa rin s‘yang tumuloy sa House of Louna!? I mean, na-appreciate ko na mabait kayo sa kaniya pero kung nalaman iyon ng elders, hindi ba mapapahamak kayo?” Alam kong literal na namimilog na ang mga mata ko sa napagtanto. Mahinang napasipol sa hangin si Nick samantalang nagtakip naman ng tuwalya sa mukha si Hina at umaktong matutulog. Hilaw namang napangiti si Sabrina at Rema.

“Ang mahalaga hindi kami nahuli,” saad ni Sabrina. “At isa pa, hindi rin naman kami makakatanggi kasi siya ang nag-suggest.”

“Sino?”

“Si—”

Hindi ko narinig ang sunod niyang sinabi nang biglang bumusina si Elvira na halos ikabingi naming lahat. Natatawang napasandal na lang si Nicholas sa may bintana at ginaya ang pagmamasid na ginagawa ni Amber.

Sa downtown na ng Solare kami huminto upang mananghalian sa isang fast food restaurant. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga estudyanteng kumakain roon sapagkat pare-pareho kami ng suot. Siguro iniisip nila na nag-aaral din kami at uniform namin ito.

“Nick, ikaw na order oh,” wika ni Hina at iniabot ang pera kay Nick. “Sama ako kuya,” ani Rema at magkasabay silang nagtungo sa counter upang um-order. Naiwan kaming lima sa mahabang lamesa na nasa pinakadulong bahagi ng restaurant. Ito lang kasi yung lamesa na magkakasya kaming lahat dahil pang-apat na katao lang ang kasya sa iba.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang dalawa na may tigdadalawang tray na dala. Nakasunod naman sa kanila ang dalawang crew na tinutulungan sila sa pagbitbit ng iba pang tray.

Gutom kami. Hindi na maitatanggi iyon dahil sa oras na mailapag ang mga pagkain sa lamesa ay wala pang limang minuto, ubos na ang mga ito.

“Hindi naman kayo gutom, ano?” natatawang puna ni Nick.

“Ito ang una kong pagkain simula kahapon kaya tantanan mo ako,” sambit ni Sabrina na ngayon ay nagpupunas na ng bibig gamit ang tissue na nasa mesa.

RESETWhere stories live. Discover now