Kabanata 16

29 5 0
                                    


Together


SABRINA led Amber and I to a room in the second floor which she called Louna's guestroom after she applied some herbal medicines into my wounds. She even made me drank that silver liquid in a vial that almost made gag because it taste like a rotten tomato dipped in vinegar. Surprisingly, gumaan naman ang pakiramdam ko matapos kong inumin iyon. Iyon nga lang ay hindi pa rin nawawala ang lasa nito sa dila ko at hindi iyon nakakatuwa.

Maliwanag sa loob ng silid. It has only one bed but it is insanely large. May bedside table at may cute na chadelier sa taas. May balcony rin at tanaw mula sa kinatatayuan ko ang langit dahil doon.


"Sinasabi mo bang matagal ka nang nandito?" tanong ko matapos ikwento ni Amber ang nangyari.

Days before we parted ways, Amber already knew that there is something off about Macy.



September 11, 2020
4:30 AM - La Vienna, Hemaiem

Masakit ang balakang ng dalagang si Amber habang tinatahak ang daan papasok sa kusina ng coffee shop kung nasaan ang cubicle na kinalalagyan ng monitor para sa cctv footage ng pinagtatrabahuhan. Masakit man ang balakang dahil tumama ito sa lamesita nang itulak sila ni Crox ay pinilit pa rin niyang makapunta sa loob upang mag-imbestiga. Hindi siya papayag na mamamatay siya ulit sa kamay ng taong hindi niya kilala. Hindi siya papayag na mamamatay siya ulit nang hindi lumalaban.

Umalis si Airen dala ang palaso para sunugin sa likod ng coffee shop. Dahil wala namang customers, ginamit ni Amber ang tyansang iyon para kumilos nang mag-isa.

Magaling si Amber sa computers kung kaya't hindi siya nahirapang kalikutin ang monitor para hanapin ang cctv footage ilang oras na ang nakalilipas nang may nagtangkang pumana sa kanila.

Dalawa lang ang cctv cameras ng coffee shop. Isa sa loob at isa sa labas. Matapos niyang panoorin ang footage para sa loob ay wala naman siyang napansing kakaiba maliban sa lalaking nakaputing cloak na nagngangalang Crox na sobrang bilis ng bawat galaw at parang hangin lang na dumaan mula sa pinto papunta sa counter.

Sunod niyang tiningnan ang kuha sa labas. Sa kasamaang palad ay hindi hagip ng camera ang kinalalagyan ng salarin kung kaya't napasabunot si Amber sa sarili niyang buhok.

'The culprit knew where to hide. Alam niyang may cctv cameras pero paano niya nalaman ang pwesto nito?' tanong niya sa sarili.


It leads her to jot down three major suspects in the list.

Hina Rejano

Macy Guerrero

Dewyene Salvador


The last name in the list was been easily removed. Nasa isang party si Dewyene nang gabing iyon hanggang madaling araw at naka-post ito sa kaniyang instagram account. Kasama nito ang kaniyang anak at ayon sa research ni Amber ay hindi ito umalis ng venue ng party simula alas otso ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw. Alas dose naganap ang pagtatangka sa buhay nila.



September 19, 2020
10:30 PM - La Vienna, Hemaiem

Mariing pinagmasdan ni Amber ang nagmamadali sa paglabas na si Macy bitbit ang naiwan nitong sisidlan ng ukelele. Hindi nakuntento si Amber at nagmamadali niya itong sinundan palabas. Wala siyang plano. Wala siyang ibang dala kundi ang sarili. Kung mapapatunayan niyang ito ang salarin at sugurin siya nito ay tiyak na katapusan niya na.

RESETWhere stories live. Discover now