Kabanata 6

39 5 0
                                    


This Town Got Serious Problems


KUNOT-NOONG pinagmamasdan ni Amber ang bubong ng aming silid na inuukupa. Mag-a-alas dyes na ng gabi. Maya-maya lamang ay kakatok na sina Macy rito sa amin kung hindi pa kami lalabas. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin namin alam kung paano ito ipapaliwanag kay Mrs. Dewyene. Hindi naman namin ito pwedeng ipaayos dahil tiyak na malalaman at malalaman pa rin ito ni Mrs. Dewyene. Kung hindi man ay tiyak na isusumbong kami ni Hina. Sa ilang linggo naming pagta-trabaho rito, alam na namin ni Amber na hindi namin makakasundo ang babaeng iyon. Masyado siyang masikreto. Maski si Macy minsan, hindi na rin siya maintindihan. Good thing, magkaiba kami ng shift.

"May naisip ka na?" tanong ko.

Umiling lamang si Amber. Isa pa siya, nitong mga nakaraang araw, lagi siyang nawawala. I mean, bigla-bigla siyang aalis sa kwarto nang hindi ko nalalaman. Babalik lang siya kapag malapit na ang shift namin at hindi ko rin alam kung bakit. Maybe I'm just paranoid.

"I want to meet him," aniya.

"Sino?" I asked.

Nagsalumbaba siya habang nakatukod ang dalawang siko sa hita. Narito siya nakaupo ngayon sa kama ko dahil kung doon siya sa taas ay tiyak na matatakot siya dahil butas nga ang yero at hindi naman iyon kataasan. Madilim na sa labas at mula rito sa kinauupuan ko ay nakikita ko ang sumisilip na mga bituin.

"Si Janus," sambit ni Amber.

Ah, naalala ko na. Naikwento ko nga pala sa kaniya ang nilalang na iyon. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat maliban sa sinabi ni Elvira. I will just keep it to myself. You can't blame me. Amber and I weren't that close before we got murdered. Hindi mo ako masisisi kung may parte sa utak ko na iniisip na siya ang tinutukoy ni Elvira. Speaking of Elvira, I want to see her again. Marami pa akong tanong sa kaniya. Kagaya ng kung anong klase siyang nilalang at kung bakit kapareho ng disenyo ng kaniyang palaso ang palasong muntik nang tumama sa akin o 'di kaya'y kay Amber noon. Ginugulo niya ang isipan ko.

"Bakit mo naman siya gustong makita? Didn't I tell you that he just freaking took a grip in a white lady's arm? Hindi ka natatakot?"

Umiling s'ya bago bumulong sa hangin, "I just want to check on something."

"Ha?" I asked. Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya.

Umiling ulit siya. "Wala, " tumayo siya at lumapit sa tokador. "Magbihis na tayo ng uniform. Baka puntahan pa tayo rito nina Hina."

"Teka, paano 'yung yero?"

"Walang mapapahamak kung walang magsusumbong. Kaya kung ayaw mong mapagalitan ni Ma'am Dewyene, pumasok na tayo sa trabaho!" aniya at pumasok na sa banyo bitbit ang tuwalya at uniform para sa coffee shop.

Muli akong sumulyap sa butas na yero at ipinagkibit-balikat na lamang ito. Tama nga siguro si Amber. Wala rin namang pupuntahan ang pag-aalala namin dito dahil hindi kayang ayusin ng pag-aalala namin ang yero. Tang ina kasi ng Janus na iyon.


"Bye, Macy! . . . Hina."

"Bye!" ani Macy na mataas pa rin ang energy pagkatapos ng maghapong trabaho. Si Hina naman ay tinapunan lang kami ng tingin at dire-diretsong naglakad palabas matapos hubarin ang kulay brown na apron.

Napatingin ako kay Amber na nakangiti pa rin kahit hindi siya pinansin ni Hina. At hindi plastik ang mga ngiting iyon. Hindi ba niya napapansin na ayaw sa amin ni Hina?

RESETWhere stories live. Discover now