Kabanata 8

45 5 0
                                    


Chaos


SEPTEMBER 20, alas singko ng umaga. Mula rito sa may counter ay natatanaw ko na ang pagsisimula ng bukang-liwayway. Maya-maya lamang ay darating na si Mrs. Dewyene pati na rin ang mga regular customers na kalimitang dito nag-aagahan.

Alas kwatro pa lamang ay nalinis na namin ni Amber ang coffee shop. Mula sa pag-mo-mop ng sahig hanggang sa pagpupunas ng mga lamesa. Sa katunayan ay hindi naman malaki ang coffee shop at wala din kaming mga lamesa sa labas katulad ng sa mga fast foods. No doubt, this shop is only for those who have enough money to avail dahil hindi naman ka-presyo ng coffeee sachet na nabibili sa sari-sari store ang mga kape rito. Malamang, kung hindi ako nag-ta-trabaho rito ay hindi ko rin magagawang makapasok dito maski isang beses.

"Psst, siguro ibibigay na ni Ma'am ngayon 'yung sahod natin sa nagdaang dalawang linggo. May plano ka na?"

Napalingon ako kay Amber na nakaupo sa stool at nakasandal sa pader. Nakasuot pa rin siya ng beanie para kahit papaano raw ay hindi tumaas ang buhok niya since kulot na kulot ito at nag-fo-form ng bilog na shape kapag wala siyang suot na beanie or any hair accessories.

Napaisip ako sa tanong niya. Dalawang linggo na pala kami rito. Dalawang linggo na mula noong nabuhay ulit kami. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay bilang lang sa daliri ang pagkakataon na nagpapakita si Crox. At sa loob ng unang dalawang linggo na akala ko ay magiging normal ulit ang buhay ko ay nabaon na lang sa akala. Napupuno na ng kababalaghan ang buhay ko at hindi ko alam kung magagawa ko ba itong takasan. Magmula sa pumana sa amin na hindi ko pa rin alam kung sino. Si Mr. Villegas, ang nagdala sa akin sa apartment na hindi ko pa alam kung sino dahil hindi ko pa naitatanong kay Amber, si Janus at iyong white lady, si Elvira at maging ang kakaibang kilos ni Amber.

Si Amber . . . may tinatago siya sa akin.

"Baka hindi muna ako umalis," tugon ko.

Tumaas ang kilay n'ya. "Hindi . . . hindi ka aalis!?" bulalas n'ya. Napatayo pa siya sa kiauupuan. Nang mapansing tulala akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang pumikit ng mariin at kalmadong umupo na para bang napagtanto na masyado siyang naghihisterika.

"Airen, kailangan mong umalis."

"Aalis rin ako pero hindi pa sa linggong ito. Maybe next week," saad ko.

But she doesn't look okay with that. The terrified look in her face send shivers to my spine. As if me, not leaving this week, is making her distraught.

"Airen—Airen kailangan mong umalis," aniya sa mas mahinahong tono ng pananalita pero hindi maitago ang kaba rito. "Ang totoo n'yan ay tinanong ko na si Ma'am Dewyene kahapon kung kailan ibibigay ang sahod at ang sabi niya ay ngayong umaga. Nasa kulang-kulang tatlong libo rin iyon! Makakaalis ka na ng La Vienna. Pwede kong—"

Tears rolled down to her cheeks. Hindi ko maintindihan kung para saan iyon pero nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso.

Nauutal man dahil humihikbi, pinilit ni Amber na ituloy ang sinasabi. "Pwede kong ibigay sa'yo 'yung akin . . . kahit huwag mo nang bayaran . . . umalis ka lang dito. Umalis ka lang ng La Vienna."

The words were unclear to my ears. Dahil na rin siguro sinasabi niya ang mga iyon habang humihikbi. Ang tanging naintindihan ko lang ay umalis ako ng La Vienna.

"B-bakit mo ako pinapaalis ng La Vienna? May tinatago ka ba sa'kin, Amber?"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon. Hindi dapat ngayon. Hindi ko dapat iyon tinanong nang kaming dalawa lang. Anong laban ko kung sugurin niya ako?

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon