Kabanata 20

40 4 0
                                    


A Love That Is Needed To Be Buried


HE'S HURT. Malinaw ang emosyon na iyon mula sa mga mata ni Alex. Kasama nito ay ang matinding pagkalito. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ko siya ng halo-halong emosyon at walang duda na siya nga si Alex from seven years ago. Alam kong marami siyang gustong itanong pero isa lang ang lumabas sa kaniyang mga labi.

"Bakit?"

I smiled at him genuinely. Mas lalo pa iyong nakadagdag sa pagkalito niya.

"Nakakahiya mang aminin pero— totoong gusto kita noon. You're my dream guy despite of the six year gap. You're everything to me . . . Alex. Marami akong gustong sabihin sa 'yo na hindi ko nasabi noon pero hindi ko na rin masabi ngayon. Someone told me na hindi lang kita makalimutan dahil traumatized ako sapagkat namatay kang hawak ang rosas na pulang binigay ko para sa birthday mo. Pero kung hindi ka namatay hawak ang bulaklak na iyon, kung hindi ko 'yon nakita sa mga dyaryo, hindi ako makukulong sa 'yo. At tama siya, Alex. Tama siya."

"Pero ako rin ang nagsabi no'n, Airen," giit niya. "Sa Himaraya, noong nag-away tayo. Ako rin ang nagsabi no'n sa 'yo, nakalimutan mo na ba?"

Umiling ako. "Wala akong nakalimutan maliban sa hitsura mo. Ngayon sabihin mo sa 'kin, sino ka?"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko.

"Ako si Alexander Saldivar."

Muli ko siyang nginitian at marahang binawi ang aking kamay. Humakbang ako paatras.

"I see. Then my answer is still no. I don't love Alexander Saldivar anymore now that he's infront of me."

Nakahanda na akong bumalik sa elevator upang magtungo na lang kay Sabrina dahil nakaharang siya sa pinto ngunit bago pa man ako makalayo ay muli siyang nagwika. 

"Bakit?" ulit niya sa tanong kanina. 

Huminga ako ng malalim at pumikit nang mariin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. 

"I don't love you anymore, Alex. Kasi hindi naman kita minahal. Kagaya ng sinabi ko, kagaya ng sinabi mo, traumatized lang ako kasi namatay kang hawak ang rosas na bigay ko at never kong nasabi sa 'yo noon ang nararamdaman ko. Nakulong ako sa nakaraan, kasi kayo lang naman ni Gemma ang kaibigan ko tapos— nawala ka. Tatlong linggo matapos mong mawala, inampon si Gemma ng taga- Maynila." Hindi siya nagsalita, hinayan niya akong magwika. "Nalungkot ako. Nilamon ako ng kalungkutan. Na kahit hindi ko maalala ang hitsura mo, pinilit ko ang sarili kong maniwalang mahal kita kahit wala ka na kasi, doon ko nararamdaman na buhay ako. Doon ko nararamdaman na may dahilan ang kalungkutan ko. 

Pero sa downtown ng La Vienna, sa kagubatan ng Himaraya, dito sa loob ng Estrella, may isang taong nagparamdam sa akin ng kakaiba. Para sa kaniya handa akong lumaban. Natatakot ako kapag nasasaktan siya. Nalulungkot ako kapag wala siya. Tumitibok nang mabilis ang puso ko kapag kasama ko siya. At higit sa lahat, handa akong mamatay para sa kaniya. Mga bagay na hindi ko magagawa para sa 'yo, Alex. Magulo man kung iisipin pero—"

Napasinghap ako nang biglang may hawak nang pulang rosas si Alex. Nagliliyab ang talulot nito at unti-unting nagiging abo ang mga mata niya na kulay brown noong nabubuhay pa siya. Unti-unting umangat ang sulok ng kaniyang labi hanggang sa matupok ang rosas at tangayin ng hangin ang abo nito. Nakasuot na siya ng puting cloak ngunit nakababa ang hood at unti-unting umusal ng mga salita. 

"Mahal din kita."

Sa isang iglap ay nasa bisig na niya ako. Niyayakap ako ng mahal ko. Niyayakap ako ni Crox.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon