02

1.1K 35 5
                                    

Tulala lang ako habang hawak ang phone ko. Kanina pa nakaalis si Khalil pero ang puso ko wala pading tigil sa pag kabog.



Heart please stop will you?




Pero kahit na anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko, wala padin. Patuloy padin ang puso ko sa pag kabog.




Napatingin naman ako sa phone ko.



OMG. May picture na kami together.



Pakiramdam ko mas pumula pa pisngi ko kanina. Napakagat labi naman ako saka ko tinitigan pa ulit ang picture naman.




"Hey, ayus kalang? Kanina pa kita tinatawag ah" kung hindi pa'ko tinapik ni Jasmin hindi pa'ko gagalaw. Shocks!





"A-ah" tumikhim naman muna ako bago ulit nagsalita. "Oo naman, ayus lang akosya nga pala ano yon? Bakit mo'ko tinatawag?" tanong ko sakanya saka ko pasimpleng tinago ang phone ko sa bulsa ko.




Lumipas ang mga oras hanggang sa pag uwi ko ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nagtataka na nga si Sam kung anong nangyayari sakin dahil daw pangiti ngiti ako habang hawak ang phone ko.




Sino ba namang hindi ngingiti? Sino ba namang hindi matutuwa kung nakita mo ang crush mo saka nakapag picture pa kayo? Diba?




Tinitigan ko ulit ang picture namin. Tapos na'kong kumain at mag shower pati ang night routine ko para sa mukha ko tapos nadin.





I giggled. Ginawa ko kasing wallpaper sa homescreen ang picture namin kasi hindi pwedeng lock screen. Baka pag nakita ni Sam ay batukan pa'ko. Tatanungin ako hanggang sa masatisfied sya sa sagot ko.




Hayst, kung andito pa ang isa naming kaybigan na babae ay baka sasabog pareho ang ulo nilang dalawa ni Soleil kakasaway. Nasa Iceland sya ngayon eh. I miss her.




Then I opened my Instagram account and I immediately DM him.


@andreasanchez: Hi.



@andreasanchez: Pa notice po Idol.



@andreasanchez: Crush pa notice po.



@andreasanchez: Ang boang ko ah, pero hindi mo naman 'to mababasa diba? Tambak ang mga chats sayo ng mga fans nyo eh.




@andreasanchez: Naaalala mo'ko? Ako 'yong nasa store, yong nagbenta sayo ng bulaklak?




@andreasanchez: Siguro para sa mommy mo yon 'no? Wala ka namang girlfriend eh, kasi wala pa namang nababalita.

THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now