14

713 29 1
                                    

Red tulips? Bakit nya naman ako bibigyan ng red tulips? Psh, asa kapa Andrea. Hindi yon mangyayari!




Ang red tulips ay hindi basta basta binibigay ng lalaki sa babae, para sa babae malaki ang halaga kapag binigyan ka ng red tulips at alam naman yon ng mga lalaki. Yon nga ang ginagamit ng iba para ibigay sa taong gusto nila eh. Ginagamit sa conffession.




Ang laki laki ng mundo pero ni isa talaga wala pang nag bibigay sa'kin ng tulips, kahit anong kulay na bulaklak na tulips wala pa, red tulips pa kaya?



Hindi ko alam na joker pala si Khalil.




"Jasmin, mauuna na'ko ah?" paalam ko sakanya, andoon kasi sya sa table nya at nag aayus na. Ganon din naman ako, mag aalasais na kasi kaya uuwi na'ko.





"Sige, ingat ka Andrea"




"You too, take care" ngumiti pa'ko sakanya saka kumaway bago naglakad palabas ng shop.





Oo nga pala, hinatid ako ni Khalil kanina dito kaya wala akong sasakyan pauwi sa bahay, mag lalakad ako? Bahala na nga, kung sakaling may mambastos sa'kin, sasapakin ko nalang tutal tinuruan naman kami ni Ranny ng basic self defense kaya kahit mapuruan ko lang ayus na'ko.




Nagpa music nalang ako habang naglalakad, may mga parol ng nakasabit at mga Christmas lights. Yong iba nakasindi na yong iba hindi pa.






Magpapasko na pala, ambilis ah. Another year...






Habang naglalakad ako at nag iiisip ng kung ano ano, biglang may bumusina kaya naman nagulat ako.






Inis akong lumingon pero napawi din yon ng makita kung sinong driver ng sasakyan.






Anong ginagawa nya dito? Sinusundo nyaba ako?






Tumigil ako sa paglalakad at pinark nya naman ang sasakyan nya, kahit medyo madidilim na at kahit naka facemask and cap sya, kilala ko sya.







"Bakit?" Ayan agad ang tanong ko pagkalapit nya sa'kin.






"Anong bakit?" tanong nya naman pabalik.




"I mean, bakit ka andidito? Hindi kaba busy?" tanong ko.





Pinipigilan kong tumibok ng mabilis ang puso ko dahil alam ko namang ako lang ang aasa, gusto ko lang naman sya at hindi ko sya mahal. Magka iba yon,malaki ang pagkakaiba. Napakalaki.




Hinawakan nya ang kanang kamay ko at napunta naman don ang atensyon ko.







Kung kanina sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon naman mas lalong bumilis. Parang may hinahabol na kung ano.







"I'll take you home. It's not safe for a beautiful woman to walk alone." at saka nya'ko marahang hinila palapit sa sasakyan nya, pinagbuksan nyapa ako ng pintuan ng kotse saka inalalayang makapasok sa loob,para naman akong babasaging bagay na sobrang halaga sa ginagawa nya.






Saka nyalang binitawan ang kamay ko nang makaupo ako ng maayos sa passenger seat.







Sinara nyana ang pintuan saka  sya umikot at binuksan ang pintuan sa driver's seat, tinanggal nya ang facemask and cap nya. Medyo nagulo ang buhok nya kaya naman inayos nya muna yon saka nya pinaandar ang kotse.





THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now