04

956 29 3
                                    

Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko.


Bakit ba'ko nagkakagan'to? Hindi ko akalaing gan'to ang mararamdaman ko pag lumapit sya sa'kin. First time to.



Dala dala ang sandwich ay pumunta na'ko sa sala namin at binaba ko sa center table ang sandwich na pinrepare ko for them.



"Thanks Andrea" nakangiting pasasalamat ni Andrew. "And please, just call me Drew. Masyadong mahaba ang Andrew eh" pahabol nyang sabi at tumango naman ako saka ngumiti. Hindi na'ko nag salita.





"Kayong dalawang lang ba ang nakatira dito? Pero apat kayo don sa Picture Frame" turo ni Zeus sa picture nanasa kabinet.




"Ahh, yong dalawa nasa trabaho lang. Maya maya uuwi na sila"




"Aah, may tanong ako"




"Ano yon Zeus?"




"Gusto mong mag model? Bagay ka don, matangkad ka at maganda. Maputi din, nag hahanap kasi si Tita ng mag momodel sa mga damit na tinatahi nya. Kung gusto mo lang naman at kung interesado ka. Don't worry bibigyan ka naman ng sweldo. Hindi ko ngalang alam kong magkano" nag kibit balikat pa sya saka kuha ng juice na nasa center table at ininom yon.



Palihim namang napaingos si Samantha dahil sa sinabi ni Zeus.




"Na'ko, model? Tapos sisikat? Ganon ba? Sa tingin ko kasi mayaman yang tita mo eh. For sure kung babagay kay Andrea ang mga damit na tinatahi nya hindi nyana papakawalan tong kaybigan ko. Tama ba'ko?" sabat ni Sam sa usapan.




"Well. Siguro, pero ayaw mo yon? Sisikat sya at magkakaroon ng pangalan sa industry. Malaki din ang sweldo,"





"Hindi gusto ni Andrea ng spot light. Diba Andrea?" bumaling pa sya sa'kin at nakuha ko naman ang gusto nyang sabihin. Tahimik lang si Cold at nakatingin sa'kin.





"Oo, masyadong magulo sa industriya ng kasikatan. Wala akong freedom gawin lahat ng gusto ko. Isa pa, I hate attentions." kibit balikat kong sabi at umupo sa isahang sofa na katabi ko.




"Sabagay, agree ako sayo. Pero sayang lang, wala kasing mahanap si Tita eh. Pero sige, sabi mo eh" ngumuya na ng sandwich si Zeus habang tatango tango.




"Bagay sayo,"




Napalingon naman sila, especially ako ng mag salita si Khalil. Nakatingin ng deretso sa mata ko.



"Huh?" loading pa ang utak ko.



"Bagay sayong mag modela" he said those words looking straight to my eyes. "Matangkad ka, fit, maliit ang waist line, wavy hair, maputi. Bagay ka lalo na kung sa Runway ka mag rarampa. Mag cover din sa magazines pwede." pahabol pa nyang sabi.




Honestly, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi nya. Bukod sa sinabi nyang fit talaga ako-na pasok talaga ako pag dating sa modela at babagay sa'kin lalo na kung rarampa ako sa runway at mag cocover ng magazines hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi nalang ako umimik.



THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now