13

612 28 0
                                    

Sinundan ko sa sala si Cold. Halata sa awra nyang hindi nya gusto yong ginawa ko. Well, naiintindihan ko naman na ayaw nya lang akong masaktan dahil nakita nya kung ga'no ako kawasak nung nawala ang ate ko.



My ate is my crying shoulder, my comforter, my protector. Naaalala kopa na lagi syang nasa tabi ko kahit na busy sya. May time pa na para na kaming kambal kasi halos hindi na kami magkahiwalay. Palagi kaming magkasama,sa pagtulog, pagligo, pagkain  at pag lalaro.



Pareho din kami ng style ng damit at mga gamit kaya tuwang tuwa ang parents namin saamin.



My ate is my protector, lalo na kapag my time na pinapagalitan ako ni papa dahil pasaway ako, sa murang edad pinagtatanggol nya'ko. Especially nung mga huling sandali nya.



I was 6 years old that time while she is 8 years old.




Since that incident happened, nagbago ang pakikitungo sa'kin ng parents ko. Alam ko namang hindi nila ako sinisisi sa nangyari sa ate ko pero pakiramdam ko sinisisi nila ako.




Yong ate kong laging nasa tabi ko wala na. Sobra akong nasaktan na si Cold nalang ang masasandalan ko.




Cold and I are Bestfriend since childhood. Actually tatlo kaming magkakaybigan pero hindi kona alam kung nasaan yong isa. Mag kakaybigan kasi ang mga tatay namin since high school kaya ang nangyari hanggang sa mag asawa sila ay hindi na sila nag hiwa-hiwalay.




Na sakto naman na napasa sa'ming mga anak nila ang pagkakaybigan nila. Andaming nagsasabi na in the future ay hindi na sila magugulat kung kami ang magkatuluyan but the truth is, we're just bestfriend and we have no romantic feelings towards each other.




"Cold—" naputol ang sasabihin ko ng may mag doorbell.




Napakunot noo ako, sino naman yon? Binalingan ko si Cold nang tumayo sya at lumapit sa pintuan.




Naupo nalang ako sa sofa at inantay syang bumalik, gusto kong ipaintindi sakanya ang point ko para hindi na sya magalit.




"Get out" rinig ko ang inis sa tono ng boses nya.




"Bro, let us in. Ngayon nangalang ulit tayo mag ha-hang out eh. Look at Khalil, buti nga at lumabas nayan sa lungga nya at kinontak na kami ni Zeus eh." napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Drew.





Anong ginagawa nila dito? Saka ano raw? Khalil? So kasama nila si Khalil?!




Dali dali kong kinuha ang phone ko at binasa ang reply nya sa chat ko kanina.



khalil18: Fine, I'll contact them.



"Bro, bakit ba ayaw mo kaming papasukin—" napatigil sa pagsasalita si Drew ng magtama ang paningin namin. "Oh, Andrea you're here" gulat nyang naiusal.




Sumunod namang pumasok si Zeus. "Ano ba haharang harang mga putangina—oh hi Andrea! Andito ka!" Parang hindi makapaniwalang usal ni Zeus. Tinuro pa nya ako saka sya bumaling kay Cold at tinuro ito. "Kaya pala ayaw mo kaming papasukin ah?! Abah! Mali 'to!" para syang pinagsakluban ng langit at lupa.


Napakunot noo ako sa expression ng mukha nya. Ano bang problema neto?



Naglakad palapit si Drew saka nilapag ang can beer sa center table sa harapan ko at saka naupo sasahig.



Umagang umaga iinom sya ng alak? Hindi ba sasakit tyan nya dyan?



Sumunod si Zeus na nilapag ang mga malalaking supot ng chitchirya sa center table saka ginaya si Drew na umupo sa sahig.



THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now