03

964 32 4
                                    

Pinauwi na'ko agad ni Jasmin ng maniwala sya sa palusot ni Cold.


"Pupunta tayo sa bahay nyo ah" kahit hindi ko sya tignan alam kong may nakakalokong ngiti sa mukha nya ngayon.


Hindi ako nagmumura pero parang gusto kong murahin ng sandamakmak si Cold ngayon. Hindi naman ako makatingin kay Khalil, ewan ko ba kung nahihiya ba'ko or ewan. Basta!


"So, Andrea right? Tama naman diba pangalan mo yon?" tanong ni Andrew, sya ang nagmamaneho sa Van na sinasakyan namin ngayon. Mag isa nya lang sa harapan at wala syang katabi. Nasa unahang upuan naman ako sa likod habang katabi ko si Cold at si Zeus at Khalil naman nasa pinaka likod ng Van. Yong upuan sa pinakalikod ng Van.



"Yeah" maikli kong tugon sakanya.



Ang lakas pa naman ng loob kong magchat ng kung ano ano sakanya tapos tiklop naman ako pag nasa harapan kona.


Napakagat labi naman ako dahil kanina pa'ko naiilang. Kanina pa kasi nya ako tinitignan. Nakikita ko yon sa salamin nanasa harapan.



"Close kayo ni Cold? Pa'no? Pa chismis-" hindi na natapos ni Andrew ang sasabihin nya dahil pinutol yon ni Cold.



"Shut up. Wag kang chismoso."



"So ayon, senyo kami pupunta-I mean doon ang punta natin ngayon diba?" hindi nya pinansin si Cold at tinanong nalang ako.



"Hmm" tumango pa'ko "Sa'min nga" basta nakatingin lang ako sa labas.


Nabigay ko naman na ang address ng bahay naming apat sakanila and good thing alam ni Andrew ang lugar nayon. Syempre taga Quezon City din sila. Alam ko yon kasi nasabi ni Cold dati na dito sa Quezon City din sila nakatria, I mean silang apat. Sa iisang condo unit.


Samantha sasapukin kita oras na hindi kapa nakapaghugas ng plato at magulo pa ang bahay.



Bumaba na kami sa van at ako ang nauna. Binuksan kona ang gate saka ko sila inanyayahang pumasok sa loob.



"Pasok kayo"



Ngumiti naman si Zeus at nagpasalamat si Andrew, si Khalil naman ay nililibot ang tingin nya sa paligid at tinitignan ang bahay namin kahit nasa labas pa kami.



Nag lakad naman na ako at sumunod sila mula sa likuran ko saka ko binuksan ang pintuan ng bahay.


Handa na sana akong humingi ng tawad kung sakaling magulo ang bahay pero ang tumambad sakin ay ang Samantha na naglilinis at pinapalitan ang kurtina. From white and sky blue color of curtain ay pinalitan nya ng Ash Brown and Gray color ang curtain. Malinis at maaliwalas ang bahay, nilibot kopa ang paningin ko at nakita ko ang kurtina sa may lababo na napalitan nadin. Malinis at maayos ang loob ng bahay. Hindi pa kami napapansin ni Samanta dahil naka earpods sya at nagpupunas ng mga cabinet at inaayos ang mga litrato naming apat don. Napansin ko ding mabango ang amoy ng bahay.


THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now