15

710 27 0
                                    

"Hoy!!" kumakaway na kamay sa harapan ko ang nag balik sa'kin sa katinuan. Tinignan ko naman kung sino yon at ang nakapamaywang na Samantha ang nakita ko.


Nakahiga kasi ako sa mahabang sofa habang iniisip yong nangyari kagabi.


"Ano yon?" tanong ko sakanya.


"Yong cellphone mo kanina pa ring ng ring don sa kwarto mo."


Hindi kona inantay pa ang sasabihin nya kung sakaling may idudugtong pa sya sa sinabi nya.


Dali dali akong bumangon saka nagpunta sa kwarto ko. Naka charge kasi yong phone ko dahil lobat.

Sino bang tumatawag?

Tinignan ko ang name ng caller, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang name ng tumatawag.

Zayden Calling....

In-answer ko agad ang call nya saka dali daling nagsalita.

"Hello?"

"What are you doing? Why you didn't answer my calls?" bungad nya agad sa'kin.


"Sorry, nasa sala kasi ako eh saka naka charge yong phone ko dito sa kwarto." paliwanag ko. "Ah, sya nga pala bakit ka tumawag?" tanong ko.




"We have a concert in Russia next week. Aalis kami this coming Friday para makapunta nadon agad. We need to rehearse this upcoming Saturday and Sunday and the concert will be held Monday next week"


Bakit sya nag papaalam?


"A-ah,sige ingat kayo." paalala ko sakanya. "Sya nga pala, 2 weeks nalang November na may ibibigay ako sayo para magamit mo don"

"And what is that?" tanong nya.

Kahit hindi nya'ko nakikita ay ngumiti ako. "Secret,abangan mo nalang." kumpyangsang  sagot ko.

"Okay." Sagot nya. "I'll pick you up at your work on Thursday." dugtong nya.


Sasagot na sana ako pero pinatay nyana agad yong tawag.


Binaba ko yong phone ko at hinayaang ma charge yon. Binuksan ko yong cabinet ko saka kinuha doon ang isang paper bag at nilabas ang laman non bago umupo sa kama ko.


Ito yong ibibigay ko kay Zayden sa Thursday, magagamit nya'to incase na malamigan sya. May ibang place kasi sa Russia na mag i-snow na kaya malamig also autumn ang season don. Just in case lang na malamigan sya,ayaw ko namang magkasakit yon.


Black Coat yon na may K and A na tahi sa manggas nya para pag tingin nya sa may kamay nya makikita nya yon at maalala nyako. Tinahi kopa talaga yan last week pagkatapos kong labhan yong coat kasi kabibili ko lang. Ayaw ko namang ibigay sakanya yon ng kabibili palang kaya nilabhan ko.




Black yong color ng coat kaya gray yong kulay ng sinulid para hindi halata pag sinuot nya at lumabas sya, mamaya kasi gawing issue kapag nakita ng ibang tao. Mahirap lalo na't rebound nya lang ako.




Bigla tuloy akong nawala sa mood ng maisip ko yan, parang gusto kong maiyak na ewan, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay sana.....sana kung sakaling hindi ko mapalitan si Amara sa buhay sabihin nya agad para ako na mismo ang kusang lalayo.




Para sa ibang tao ang depinisyon nila ng pagmamahal ay yong ipaglalaban ka nila hanggang dulo, yong kahit walang assurance hindi ka nya bibitawan instead sya nalang ang kakapit sa inyong dalawa.



THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now