07

768 23 4
                                    

Nakatitig lang ako sakanya, gulat. Ano daw? Maganda? Ako?





Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.




"Andrea! Halika na bilisan mo!" rinig kong sigaw ni Amber. Pasimple kong binaba ang tingin ko at napapikit ng mariin.




Lagi ka nalang talagang naninira ng moment Amber. Uupakan kita eh.




"Tawag kana ng kaybigan mo" napatingin ako sakanya ng bigla syang magsalita.




"Aah, hindi payan-"




"ANDREA! HOY!" sigaw nanaman ni Amber.




Hindi ako nagmumura pero, 'punyeta ka Amber'.





"Hindi payan, bayaan mo sya. Panira moment" Hininaan ko yong last na sinabi ko pero sa tingin ko narinig nya kasi bigla syang natawa. Abnormal ba'to?




"Anong nakakatawa?" maangas kong tanong, nanghahamon pa.




Binitawan nyako saka lumayo sya ng onti para takpan ng kamay nya ang bibig nya.




"Panira moment ah" pinaglandas nya ang dila nya sa may ngipin nya habang tumitingin sa dagat pagkatapos ay kinagat nya ang ibabang labi nya. Ang isa nyang kamay ay nakahawak sa bewang at ang mga daliri ng isa nyang kamay ay pinangsuklay nya sa buhok nya saka tumingin sa'kin at lumapit. Napaatras naman ako.

THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now