26

742 33 1
                                    

4:00am palang ng madaling araw sa hindi malamang kadahilanan ay nagising ako...hindi na ako makatulog at nag bihis nalang ng simpleng black leggings at red sweater bago lumabas ng kwarto at sakto namang nakita kong namumula ang mayordoma ng bahay namin kaya napakunot ang nood ko.

"Are you okay?" tanong ko at nilapitan sya.

Hindi sya makasagot ng maayos pero sapat na para maintindihan ko ang sinasabi nya...mabuti nalang filipina sya.

"Si m-madam...n-naaksi-dente—naaksidente n-ngayon l-lang—"

"WHAT?!" sigaw ko at nagmamadali ng bumaba, pasigaw kong tinawag ang driver namin at nasa loob naman na sya ng sasakyan mukhang gigisingin ako ng mayordoma kanina.

Sinabi kong dalhin ako sa hospital kung nasaan si mommy at sumunod naman sya.

Kahit na nanghihina dahil walang laman ang tyan ko at kahit namamaos ang boses ko dahil sa kakasigaw na ginawa ko kahapon hindi ko yon ininda at agad agad na nagpunta sa hospital sa sobrang kaba ko nasigawan kopa ang driver namin...hindi naman sya nagalit at mukhang naiintindihan kung bakit ganito ang emosyon ko.

Namamasa ang kamay ko at nanlalamig...hindi din ako makahinga ng maayos dahil andaming pumapasok na imahe sa isip katulad ng 'malala ba ang tama nya?' 'Ayus lang naman sya diba?' 'Hindi nya naman ako iiwan diba?'


Palihim akong nagdadasal na sana walang mangyaring masama sakanya....na sana pag dating ko don gising sya at nakaupo habang ginagamot...nakakuyom lang ang kamao ko habang nagdadasal at nagkatingin sa labas ng bintana.

Maya maya pa nakarating na kami sa hospital at hindi pa man tuluyang naka stop ang sasakyan ay lumabas na ako at tumakbo sa loob....may mga tao pa akong nakakabanggaan dahil may naglalakad at tumatakbo....nililibot ko ang paningin ko para mahanap sya pero wala.

Nag sisimula na akong maiyak sa hindi malamang kadahilanan I have no other options than to ask the nurses...wala na akong pake kung makilala nila ako....pero sana hindi.

Nilapitan ko yong isang nurse na kakalabas lang ng isang room. "Hello, do you know where Celestine Smith is?" tanong ko aligaga na.


Mukhang nagulat pa yong babae dahil hindi agad nakapagsalita. "Nurse? Where is she?" tanong ko, gusto ko syang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko...hindi ito ang tamang oras para mawala sa wisyo at magpakain sa nerbyos.

"T-this way ma'am" nauutal na sabi nya.

Sinundan ko naman sya habang tinuturo nya kung nasaan si mommy...mas lalo lang akong binalot ng takot ng makita ko ang nakapaskil sa taas.

Operating Room

N-no...no..no....hindi...hindi!!

"She's in the inside ma'am" sabi ng nurse, hindi kona sya pinansin at nagmamadaling naglakad palapit pero pinigilan ako ng dalawang guard don...naka suit sila ng black tingin ko body guard sila ni mommy.

"Sorry ma'am Andrea but you are not allowed to go inside" sabi ng isang lalaki.

"But my mommy is in there!" sigaw ko...nawawala na sa tamang pag iisip.

Hinawakan ako ng isang lalaki at sinabing maupo ako sa isang upuan don sa gilid sa mahinahon na boses...naitulak kopa sya dahil sa takot...biglang bumalik sakin yong nangyari more than 10 years ago.

Napayuko lang ako don at napatakip sa magkabilang tenga ko... nasigawan kopa sila ng wala sa oras...buti nalang nilayuan na nila ako.

Nanginginig ako at hindi makahinga ng maayos.....nahihilo din dahil walang laman ang tyan ko.

THE BEGINNING OF AFTER (Model Series #1)Where stories live. Discover now