Kabanata 21

28 3 0
                                    

Kill Me Now

THE FESTIVAL is full of laughter, magic and foods— which Amber likes the most. Kanina pa siya kumakain at hindi siya matapos-tapos. Samantala, habang dumadami ang mga mamamayang dumadalo ay lumalawak ang venue. Akala ko nga kanina ay pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko ngunit nang tanungin ko si Sabrina ay ipinaliwanag niya sa akin na ganoon nga talaga ang nangyayari. Nagbibigay ng espasyo ang gubat para sa pagdiriwang ng buhay.

Maraming pagkain ang naka-buffet style sa magkabilang gilid ng venue. Karamihan  ay prutas at may iilang karne. Mapapansing walang seafoods dahil na rin medyo malayo ang kinatatayuan ng Estrella sa karagatang pumapalibot sa Sta. Catalina. Ang pinakamalapit na mayroon sila ay ang lawa ngunit wala raw edible na hayop ang nabubuhay doon.

"Hey! Ang sarap nito! Try mo, Aireeen, bilis!" Iminuwestra sa akin ni Amber ang plato na may lamang ilang hiwa ng karneng inadobo. Tinusok niya iyon ng tinidor at inilapit sa bibig ko. “Ano ‘yan?” usisa ko.

Nagkibit-balikat si Amber. "Idunno. Sabrina, ano 'to?" tanong niya sa katabi na kanina pa nakikipagtalo sa kapatid na si Severio. Nasa isang malaking table lang kami nina Amber at Crox kasama ang buong Mayari maliban kay Rema na kasama ng mga elders ng Cosmos. Kanina pa nakabusangot ang mukha niya roon na sanhi ng halakhak ni Vlad.

"I told you to stay away from me! Ba't ba hindi ka mag-enjoy kasama ng mga kaibigan mo? Kaya ko nga ang sarili ko!" singhal ni Sabrina sa kapatid. Hindi niya napapansin ang pagtawag ni Amber.

"No. Dito lang ako dahil sa oras na iwan kita rito, limang bote na naman ng alak ang maiinom mo," pinal na tugon ni Severio.

"Eh ano naman? Kasama ko naman si Vlad!"

"I don't trust that man," walang pakundangang wika ni Severio kahit pa nasa harap lamang nila ang pinag-uusapan. Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Vladimir habang pinapanood sila. He's giving this kung pagsalitaan mo ako ng masama parang hindi ko naririnig look.

"He don't trust you too, Severio. The feeling is mutual, get lost."

Amber flicked her tongue knowing that Sabrina won't pay attention to her so she turned to Hina. Nasa harapan ito ni Amber at kadarating lang niya kasabay ni Nick. She looks so stunning in that black pencil dress.

"Hina, anong tawag dito?" tanong ni Amber habang ipinapakita ang nasa pinggan.

"Adobo."

"I mean, anong adobo? Adobong manok? Adobong baboy?"

"Adobong palaka."

Amber went silent and all I can remember was she dropped her plate in the table before running from the venue as she looks like she was about to puke. Sinundan lang siya ng tingin ni Hina at ipinagkibit-balikat na lang ang nangyari.

"Don't judge her," Elvira spoke. She still looks mysterious and strict but elegant and mature in that black turtleneck high-low dress. Dumagdag pa na magkatabi sila ni Hina na halos xerox copy ng ugali at personality ni Elvira. Pareho pa silang gumagamit ng pana. Papasa silang magkapatid. "I can see that she has Ranidaphobia," pagpapaliwanag niya.

"What's with the mask?" tanong ko kay Crox na nasa tabi ko at kanina pa naka-akbay sa akin.

"Can't let them see me. But if you're bothered about me wearing this, I can take it off." Akma niyang tatanggalin ang maskara nang hawakan ko ang kamay niya at ibinaba iyon sa kaniyang hita.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon