6

20 3 0
                                    

Kiana's POV

"From now on we're bestfriends."

"From now on we're bestfriends."

"Ang cute naman ng bestfriend ko."

"Ang cute naman ng bestfriend ko."

"Bye bestfriend! See you tomorrow!"

"Bye bestfriend! See you tomorrow!"

Mababaliw na ata ako!!!! Kanina pa nag-papaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Sean! Shet. Is this real??? Totoo ba talagang sinabi niya yun??? Or i'm just dreaming??? Wahhhh!!!!

"Para kang tanga diyan. Tumigil ka nga." suway ni ate saakin, paikot-ikot kasi ako sa higaan ko

"Ateee!!! Pano ba magtanggal ng iniisip sa isip?" tanong ko dito

"May isip ka ba?" ay harsh.

"Duhh, malamang wala. Charot. Ate naman eh! Seryoso ako" nakabusangot kong sabi, bumaba naman ito mula sa taas ng double deck

"Parang tanga Kiana. Syempre, wag mong isipin para mawala sa isip mo!" sabi nito at umupo sa may upuan sa study table namin dito sa kwarto

"Pwede ba yun?" tanong ko dahil du ko magets, wag kong isipin para mawala sa isip ko? Eh pano ko di iisipin kung hindi naman mawala sa isip ko?

"Pwede yun." sabi nito habang nagsusulat

"Ang nonesense naman!" sabi ko at napaisip muli

Totoo ba talaga na sinabi yun ni Sean? Kyahhh!!!

Excited na ako para bukas. Hihihi.

-

"Kiana! Anong oras na oh! Di ka pa ba babangon?" nakasimangot akong bumangon at nag-inat inat

"Anong oras na ba?" nakabusangot kong tanong at papikit-pikit pa

"7:59" nanlaki ang mata ko at agad hinagilap ang cellphone ko para kumpirmahin ang oras

8:00 AM

Tangina.

Agad agad akong tumayo at kinuha ang towel ko. 8:30 ang pasok ko. Shet.

"Una na ako!" rinig kong sigaw ni ate at sumigaw rin ako ng 'oo'

Minabilis ko ang maligo at magpalit. Pusang gala naman oh! Bat ba kasi late akong nagising??? Huhuhu.

"Kiana, yung baon mo oh!" kinuha ko kay mama yung baon ko at tumakbo na, sana naman may dadaan na jeep

Pero malas yata talaga ako. Tatlong minuto na akong naghihintay kaya no choice, nag-tricycle nalang ako. Medyo mabagal ang takbo nito kaya inabot ako ng sampung minuto. Late na ako huhuhu.

"Kuya bayad po," inabot ko dito ang ten pesos at naglakad na papasok sa school

Halos wala ng estudyante na pakalat-kalat. Huhuhu late na talaga ako. Pagkadating ko sa room ay naka-close na ang pinto, kumatok ako at buti naman pinagbuksan ako. Pinagsabihan lang ako ng teacher pagkatapos ay nagdiscuss na ulit. Haist! Buti naman.

"Kiana, bat late ka?" tanong ni Louisse habang naglalakad kami, lunch time na at papunta kami ngayon sa cafeteria

"Late akong nagising eh. Ang aga ko pa namang natulog! Hmp!" nakabusangot kong sabi at natawa naman ito

"I feel you girl! Hahaha. Ganyan rin ako minsan." tumango nalang ako dito at sakto namang nakarating na kami sa cafeteria

"There you are! Bestfrienddd!!!!" ang lakas namang makasigaw ng kung sino man na ito! Basag na ata eardrums ko,

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now