14

12 3 4
                                    

Kiana's POV

"Kiana! Andito ka!" tuwang tuwa si Chester at agad itong tumakbo at yayakap sana pero pinigilan ito ni Sean

"Bat may payakap?" feeling boyfriend tong Nobleza na toh!

"Feeling boyfriend? Tsk. Halika na Kiana, yakapin mo nalang ako! Para hindi makaangal yung feeling boyfriend diyan!" sumama ang tingin ni Sean kay Chester kaya natawa nalang ako

Simula ng nagkaayos kami ni Sean, hindi na siya nagtatampo tuwing nakikipag-usap ako kay Chester kaso ang sungit sungit niya na kay Chester! Nawawala na yung goodboy image niya kapag kinukulit ako ni Chester kaya ayan panay asar si Chester.

"Possesive mo naman bro! Take note di mo pa siya girlfriend niyan ah, pano na pag gf mo na siya? Baka ayaw mo ng ipakita ang mukha?" nang-aasar na sabi ni Chester at sumang-ayon naman dito si Vion

"Oo nga! Feeling boyfriend ka dre! Dapat wag kang possesive dre, di mo pa yan jowa eh! Baka mamaya eh di ka sagutin pag nanligaw ka na!" gatong ni Vion at nag-apir silang dalawa ni Chester

"Even how possesive you are, kung mahal ka talaga ng isang tao hindi ito magsasawa sayo. He or she will accept your flaws. And being possesive, for me, is a flaw that we didn't intend to do but we keep on doing."

"Glen, dre, asaran ito at hindi labanan sa words of wisdom." sumama ang tingin ni Glen kay Vion

"I'm just stating a fact. Totoo naman na kung mahal ka tatanggapin ka sa lahat ng pagkakamali mo. Like kung babaero ka dati, tatanggapin ka parin niya kasi mahal ka niya. Palibhasa, di ka kasi tanggap ni L-" hindi natuloy ni Glen ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ni Vion ang bibig niya

"Dre, pwede bang shut up muna yon? Atin atin nalang muna." Vion said as he covered Glen's mouth

Nang natanggal ni Glen ang pagkakatakip ni Vion sa bunganga niya, "Tss, oo na! Gago neto. Ang baho ng kamay mo!"

"Hoy, ang bango kaya! Bagong bili hand sanitizer ko, mabango yung amoy! Bigay ni L-" hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng marealize siguro yung sasabihin niya

"Aish! Practice na nga tayo!" aya nalang nito at wala ng nagawa ang iba dahil pumunta na ito sa piano niya at nagsimulang tumugtog ng kung ano ano

Who could that be? Is it possible na magseseryoso na ang dakilang playboy na si Vion Kaiser?

-

"Guys, papunta si Louisse dito. Ok lang ba?" tanong ko sa mga ito

"Oo! Papuntahin mo dito, nag-aabang yun isa-" hindi natuloy ni Glen ang sasabihin niya dahil binato siya ng plastic bottle ni Vion

Luh? Anyare?

"Kiana! Hi!" ang bilis naman ng Louisse na to

"Louisse! Ang bilis mo nama-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may kasama pala siya, "Oh may kasama ka pala?"

"Ah oo, si Lunar, kaklase ko sa isang subject eh walang kaibigan kaya sinama ko na!" masayang sabi nito at kita pa ang kislap sa mata niya

Haist! Iba talaga pag masyadong friendly!

"Hi Louisse! Ang ganda mo naman!" Chester said that made Louisse blushed

"Ahihihi, i know right!" ay talande rin ang babaeng ito

"Haist! Back to practice na!" aya ni Vion at parang pinagbagsakan ito ng lupa

"Oh? Bakit? Rest time muna! Makipagkwentuhan muna ako kay Louisse. Parang nakikita ko kasi sa mukha niya na siya ang Kiana ng buhay ko. Inshort, bestfriend haha!" sabi ni Chester at tumabi kay Louisse at Lunar na ngayo'y nakaupo sa harapan ko

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now