13

16 3 0
                                    

Kiana's POV

"Yan ang sinasabi ko kaya ayaw ko kayong maging close, baka palitan mo kaagad ako."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" sumeryoso ito bigla

"I'm just saying that, i don't want to lose you. And i don't want you to replace me as your boybestfriend." seryosong sabi niya bago pinaandar ang kotse

Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa bahay. At bago ako bumaba ay may sinabi muna siya.

"Someday you will understand where i'm coming from. But please, Kiana, don't replace me. I-i don't think i can h-handle p-pain anymore." kita ang lungkot sa mukha niya kaya niyakap ko ito, yumakap naman ito pabalik

"Don't worry, i won't. Drive safely." sabi ko at kumalas sa yakap bago bumaba

Pagkababa ko ay inantay ko muna itong makalayo bago pumasok sa loob.

Wala sa sarili akong dumiretso sa kwarto at naupo sa kama ko.

Masyado bang seryoso ang nangyari sa kanya at parang may trauma na ito?

-

"Ako na ang maghuhugas. Matulog na kayo." sabi ni mama kaya naman pumasok na ako sa kwarto

Wow, perstaym. Haha.

Agad akong nahiga sa kama kasi feeling ko pagod na pagod ako. Pero syempre hindi pa ako matutulog, mag-cecellphone muna haha.

"Musta ang date?" kumunot ang noo ko sa tanong ng ate ko pagkapasok niya

"Anong date?" taka kong tanong at napatampal nalang ako sa isip ko ng marealize kung anong sinasabi niya, "Baliw! Hindi yun date!"

"Hindi nga ba?"

"Hindi!" asar kong sabi at tinalikuran na ito

Pinikit ko nalang ang mata ko pero biglang pumasok sa isip ko yung kwinento ni Chester, at naalala ko rin na i-aaccept niya na pala yung follow request ko! Kyah! My fangirl heart!

Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa instagram app. Tinignan ko ang account ni Chester at finallyy, finafollow niya na akoo!! Ang tagal tagal kong hinintay na mapansin ng The Moon pero now, pansin na talaga nila ako! Bestfriend ko pa yung isa, hanep! Ang swerte ko!!!

cheeseter_thegreat~ sent you a message.

I clicked it.

Chester

cheeseter_thegreat~•Instagram
106k followers• 2910 posts
You both follow its_draze and 50 others

Heyy!!! It's me, chester!

hellooo

awiee, i'm glad that we became friends! Actually matagal na kitang gustong gawing friend eh! But kung makabakod kasi si Sean sayo eh parang jowa ka niya! He wish!


HAHA lol

It's true! He always says that "Wag niyong agawin bestfriend ko." Like duh, paano naman namin ikaw aagawin? Makikipagfriends lang eh

Haha, bayaan mo siya.

Talaga! Bahala siya! Basta i want to befriend you. So hi!! Let's be friends!

Okey dokey!

Is is true? Yes! Okey dokey yah!

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon