20

10 2 15
                                    

Kiana's POV

"Vion! Sean! Dito!" hindi ko alam kung sa paligid ko ba ang titignan ko or hahanapin ko ang tinatawag ng babaeng ito

Sumigaw ba naman siya! Sumigaw siya sa loob ng Jollibee! Nakakahiya! Aishh, kelan ba maiisip ni Louisse na nakakahiya ang sumigaw sigaw lalo na sa public places?

"Hey, Louisse and Kiana. Nandito din pala kayo." Hindi ko namalayan, nakalapit na pala sina Vion

"Hey," bati ni Sean saakin, and since pang-apat tong lamesa at upuan na nakuha namin eh umupo siya sa tabi ko at ganun din si Vion sa tabi ni Louisse

"Anong ginagawa niyo dito?" Sean asked

"Obvious ba? Malamang kumakain!" barado pala to kay Louisse ehh, natawa nalang kaming tatlo

"I mean is, why are you two here? Bonding day?" paglilinaw niya

"Yup. Kayo?" I also asked

"May pinapabili lang sina Ches. But I think, dito nalang muna tayo Sean." sabi ni Vion at kumunot naman ang noo ko

"Ok."

"Wait, nagpacut ba kayo ng buhok?" tanong ni Vion at nagkatinginan kami ni Louisse

"Obvious ba?" we said in unison

-

"Bat ba kasi kayo sumusunod? This is our day, dapat dalawa lang kami! Hindi nga namin sinama sina Heizy at Axia eh! Tapos asungot kayo!" Louisse ranted like a child

"Stop ranting, ang ingay mo" Vion said and napa-nguso nalang si Louisse

"Hayaan mo na kase, tara arcade nalang tayo." Aya ko, at tumango silang tatlo

"Asungot. Mga asungot." rinig kong bulong ni Louisse bago sumabay saakin sa paglalakad, nahuli naman sa paglalakad ang dalawang lalake

Nang makarating kami sa Fun House, sina Sean ang nagvolunteer na bumili ng token kaya nakalibre kami ni Louisse. May magandang dulot rin pala sila.

"Basketball tayo, girls versus boys." Louisse said and the boys just nodded

Kaya naman pumunta kami sa may part ng basketball-an. We occupied two basketball machines? Machines ba? Ah basta yung may balls and rings ganun.

"Ang matatalo ay manlilibre ng ice cream." sabi ni Louisse and napairap nalang ako

Her love for ice cream.

"Ok, deal." Vion said at nilagay niya na yung token sa maliit na hole, ganun din ang ginawa ni Louisse at nagsimula na silang magshoot ng bola

Since parang may tension sa pagitan nila, napaatras nalang kami ni Sean.

"Sunod nalang tayo," he said at tumango nalang ako

Louisse was so eager to win. Wala talaga siyang pinapalagpas na bola, lahat shoot but Vion was faster. So in the end, Vion won.

"Ang daya, ang haba ng kamay eh! I-compare mo naman sa kamay ko, talagang matatalo ako! Tsaka Kiana bat kasi ako lang ang mag-isang naglaro?" isip bata talaga kahit kailan

"Kami naman ang maglalaro ngayon." I said at mahina ko siyang tinulak para pumalit sa pwesto niya

Ganun din ang ginawa ni Sean, pinasok na namin yung token sa token hole? Basta ganun.

And ng nag-start na ang game, shoot to the max ang peg ko. Wala din akong pinalagpas na bola. But since hindi naman ako basketbolista, may hindi nashoshoot. Ewan ko ba kung bakit nashoot lahat yung kay Louisse kanina, ganun ba niya kagustong manalo?

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now