22

20 3 62
                                    

Kiana's POV

"Mag-ingat kayo doon huh?" tumango ako bago sila niyakap

"Una na po kami tita! Promise, mag-iingat po kami." sabi ni Louisse at nagtaas pa ng kamay

"Babye po!" paalam din nila Sean na nasa loob na ng sasakyan

It's currently 4 AM and today is the day na pupunta kami sa Tagaytay. Yes, pinayagan ako, ewan ko ba kung anong meron sina Sean at pinayagan ako nila mama ng pinagpaalam nila ako.

"Let's go! Here we go, Tagaytay!" madaling araw palang pero yung energy ni Louisse ay napakataas na

"Kumpleto na tayo 'no?" Sean asked and Chester answered him with a nod

"Nasa may 7/11 na daw sila Heizy, bili nalang daw muna tayo ng mga pagkain then diretso na tayo sa bahay na tutuluyan natin sa tagaytay." Axia said

Me, Sean, Louisse, Vion, Axia, and Chester ang magkakasama sa iisang sasakyan which is sasakyan ni Sean. While the others naman eh sa sasakyan ni Draze sumakay.

Sean is the one who's driving since kotse niya ito and ako ang nasa passenger seat. Sa likod naman ay magkatabi si Axia at Louisse and Vion at Chester.

Umandar na ang kotse and napahikad ako dahil dito. Antok pa ako and gusto ko sanang matulog pero sabi kasi sa nababasa ko, kung ikaw daw ang nakaupo sa passenger seat eh wag kang matutulog para daw may kausap ang driver.

"Inaantok ka?" Sean seemed to notice my yawn kaya he asked

"Yeah but papatugtog nalang ako if pwede para hindi ako makatulog." he nodded naman and opened the bluetooth of his car

I connected my phone to it and open my spotify and shuffled my playlist.

Travel Playlist
Now Playing: Passenger Seat by Stephen Speaks

Hindi ko alam kung nananadya ba itong utak ko at naisip kaagad ang koneksyon ng kanta sa akin ngayon.

Nakaupo ako ngayon sa passenger seat.

"I look at her and have to smile, as we go driving for a while~" parang hindi puyat tong si Louisse, ang energetic

Her hair blowing in the open window of my car
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening~

Napasandal ako sa may bintana ng kotse habang nakatingin sa labas. Ang ganda talaga kapag madalim pa habang bumabyahe. City lights, dark night, wala masyadong nagkalat na tao, at wala masyadong sasakyan.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me~

I don't know why pero bigla akong napatingin kay Sean. He looks so cool while driving. Pero bigla itong napalingon kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin kanila Louisse sa likod.

Aish, nakakahiya ka self! Ano bang naiisip ko kasi at tinignan ko siya?

Ah alam ko na! Dahil to sa napanaginipan ko. Bwisit na panaginip na yun, ginugulo ang utak ko.

Hindi naman ako magkakagusto kay Sean 'no? Hindi ako marupok kaya hindi ako magkakagusto sakanya.

Napailing nalang ako sa naiisip at naisipang magscroll nalang sa fb.

Kaso nananadya ata ang facebook.

Retweets
Simple paalala, marupok ka bestie :)))

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now