24

7 2 25
                                    

Kiana's POV

Sabi nila, mabilis daw lumipas ang oras kung ikaw ay masaya. And totoo nga.

Parang kailan lang noon pumunta kami sa Tagaytay at ngayon eh balik na naman sa dati ang lahat.

"Kiana, tapos mo na yung plates mo kay Mr. De Guzman?" Louisse asked

"Hindi pa, mamayang gabi ko palang uumpisahan. Kakatapos ko lang sa isa" sagot ko rito

"Ay same. Buti nalang next week pa pasahan." tumango ako

It's lunch time and kumakain kami ngayon sa Jollibee, dalawa lang kami kasi busy yung iba. This past few days, halos hindi na talaga kami nagkikita kasi busy kaming lahat. Buti nalang talaga at naimbento ang messenger kaya nakakapag-usap kami kahit hindi kami nagkikita.

"Gala daw sa Saturday, makakapunta ka?" I looked at Louisse

"Ikaw ba??? Kung pupunta ka eh pupunta rin ako." I said and napaisip naman ito

"Di ko knows, baka hindi ako payagan eh. Pero if payagan ako, syempre pupunta ako." sabi nito

"Ah ok, sabihan mo nalang ako if pupunta ka." tumango ito

After lunch break, nagpunta na kami sa next class namin.

Bumilis ang paglipas ng oras at uwian na. Medyo gloomy ang clouds at paulan ata. Wala pa naman akong payong.

"Kiana, hindi ako makakasabay sayo. Dadaan kami ni ate sa 7/11. May pinapabili sila mama eh." paalam ni Louisse kaya tumango naman ako

"Ingat kayo." sabi ko dito

"Yes po, ikaw rin, mag-ingat ka. May payong ka ba? Uulan ata eh." tanong nito at sinuri pa ang mga ulap

"Wala pero makakasakay naman ata ako bago umulan, kaya keri lang." tumango ito sa sinabi ko

"Ah basta ingat ka ha? Una na ako, babye!" she bid her goodbye before leaving

Dahil umalis na siya, mag-isa na tuloy akong naglalakad. Malayo pa ang sakayan at paulan na yata. Mukhang maabutan ako ng ulan bago ako makasakay. Malas naman oh.

At tama nga ako. Palabas palang ako sa gate ng school, pumatak na ang ulan. Kaya dali dali akong sumilong sa may waiting shed.

"Kung minamalas ka naman oh, tsk." bulong ko at umupo sa upuan ng waiting shed

Lumakas ang ulan at nababasa na ako. Buti nalang talaga at waterproof ang bag ko kaya hindi mababasa yung mga gamit ko.

"Kiana! Andito ka rin pala." napalingon ako sa kadarating lang na tao, si Sean

"Sean! Bakit ka nandito?" I asked at tinignan ito mula ulo hanggang paa, basang basa kasi ito

"Naiwan ko yung payong ko sa bahay tapos hinatid ako ni daddy kanina kaya wala yung kotse ko. Ayun tuloy, nabasa ako." pag-eexplain nito

"Hala ka, baka magkasakit ka niyan" concern na sabi ko dito

"Hindi yan!" sinamaan ko ng tingin ito dahil tumawa pa ang loko

"Baliw, kapag talaga ikaw nagkasakit tss." naupo nalang kami sa bench

"How are you? Ilang araw din tayong hindi nagkita ah." he opened up a topic

"Ok lang. And duh, kausap kaya kita sa messenger kagabi!" natawa ito sa sinabi ko

"Oo nga pala haha. Pero iba parin ang nakikita sa nakakausap through social media." he said and napatango naman ako

"True." simpleng sagot ko lang

Natahimik kami after that. Ewan ko kung bakit.

"Wanna hang out on Saturday? Bestfriend date?" he suddenly blurted

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now