12

18 3 2
                                    

Kiana's POV

"Awts gege" tinignan namin si Chester at nag-peace sign lang ito kaya pinaikot na ni Sean ang bote

At tumapat ito kay Axia. Nag-T si Axia at tinanong ito ni Sean kung may natitipuhan ba siya dito saamin ngayon.

"Ah, kasi ano. M-meron hehe." namumula pa ito at natawa naman si Heizy

"Buti nalang at hindi katulad nung sinabi ni Chester na i-namedrop pa! Haha!" pang-aasar ni Heizy kaya naman nakakuha ito ng palo kay Axia

"Tsk. Iikot ko na toh." sabi niya at tumapat naman ito saakin, wahhh it's my turn

"Kiana, t or d?"

"T" sabi ko dito at napangisi siya bago nagsalita, larang kinabahan ako sa ngisi niya

"Do you like Sean more than just a friend?" naghintay ako ng ilang segundo bago sumagot, baka may idagdag eh pero wala naman kaya huminga ako ng malalim bago sumagot

"Yes." sisigaw na sana sila pero inunahan ko ang mga ito, "I like him as a bestfriend." at dahil dun ay nakatanggap ako ng palo kay Chester na katabi ko

At nakikipag-apir naman saakin si Sean. Nag-apir kami at sabay na tumawa habang ang iba at hindi maipinta ang mukha.

Hahaha!

-

"Kiana! Ilag!" pero huli na, natamaan na ako kaya nagsigawan ang kalaban naming team

"Yey! Kami na!" sigaw ni Sean at nagtatakbo-takbo pa

Kasalukuyan kasi kaming naglalaro ng killing the ball at ako na ang last player sa team namin kaso hindi ko nailagan yung bato ni Sean. Tsk!

"Kiana, ikaw sa kabila tas ako dito." sabi ni Chester kaya tumango ako

Ang kasama ko kasi ay si Draze, Chester, Axia at Haze habang magkakasama naman sina Sean, Heizy, Vion at Glen.

Nagsimula na ang laban at nakalimang balik na sila sa pwesto ko pero wala paring natatamaan. Magaling silang umilag! Kaya tinodo ko ang pagkakabato at saktong natamaan naman si Glen pero bago siya umalis sa pwesto niya at nagsalita muna ito,

"Ganyan ang love, tatamaan ka ng hindi mo inaasahan at masasaktan ka rin ng hindi mo inaasahan." dahil dito ay nakatanggap siya ng batok mula kay Sean na nasa tabi niya

"Ulol! Alis na nga diyan. Continue, continue!" kaya pinagpatuloy namin ang paglalaro

Hanggang sa si Sean at Heizy nalang ang natitira.

Binato ko sa pwesto ni Heizy ang bola pero nailagan niya ito kaya naman tumakbo na sila papunta sa pwesto ko. Nang si Chester na ang magbabato, talagang kinalkula pa niya. Sa pwesto ni Chester niya akmang ibabato pero dumretso ito kay Heizy at bago pa matamaan si Heizy ay nasa harapan niya na si Draze.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Kitang kita ang pait sa mga mata ni Sean pero mukhang ako lang nakapansin dahil biglang nag-'ayieee' ang mga tao pwera saamin ni Sean at kay Chester.

"Epal mo naman brad! Ayun na eh! Tatamaan na si Heizy eh!" himutok ni Chester at tinignan naman ito ni Draze

"She's out. Sinalo ko lang ang tatama sakanya para di siya masaktan." sabi nito sabay hila kay Heizy papunta sa bench dito sa garden nila Sean

"Sana all!" Chester shouted and glanced at Sean, sakto namang parang wala sa sarili si Sean kaya ang ginawa ko ay binato ko dito yung bola, at natamaan naman siya kaya nagsigawan yung mga kasamahan ko

"Yey! Turn na namin!"

"Woohooo!"

Pero bigla nalang nagsalita si Sean. "Ayaw ko na. Pupunta nalang muna kami ni Kiana sa taas. Magbobonding kami. Kami naman dapat kasi ang nagbobonding kaso sumulpot kayo, tsk!" tsaka niya ako hinila

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now