18

18 1 14
                                    

Kiana's POV

"Kiana! Gising na! Malelate ka na!" Tamad kong binuksan ang mata ko at agad na hinanap ang cellphone para tignan ang oras.

Nang mahanap ko ito ay kinusot kusot ko muna ang mata bago bumangon at tinignan ang oras.

8:15 AM

"Halaaa!" Dali dali akong tumayo at kinuha ang twalya at naligo na

Sana naman sa next sem eh alas dose na ang first class ko! Ang hirap gumising ng maaga!

"Ma! Pa! Alis na ako!" sigaw ko at umalis na

8:45 na at paalis na ako. Buti nalang talaga at alam kong maligo ng mabilis. Hindi na ako nag-umagahan kasi wala ng time.

Saktong nakadating ako ng school eh 9 na, late na ako! Nagmadali akong tumakbo papunta sa building namin at nagbabakasakaling wala pa ang professor.

"Kiana! Buti nakaabot ka!" yan ang bungad saakin ni Louisse ng makaupo na ako

Hingal naman akong tumango at kinuha sa bag ko yubg water bottle ko. Shems, ang layo ng tinakbo ko! Nag-ala flash ako dun!

"Good morning class!" at nagsimula na ang klase

-

"Gutom na gutom na ako!" reklamo ko kay Louisse

"Bakit kasi hindi ka nag-umagahan? Review week pa naman ngayon! Nakalimutan mo?" napasimangot nalang ako

Hindi ko nakalimutan. Kaya nga ako late nagising kanina kasi naghabol ako kagabi ng mga requirements. Pero nawala sa isip kong kapag review week eh halos hindi na kami makapag-break kasi tututukan talaga kami ng mga teachers.

Ganyan dito sa W.B.U. Review week is a hell week. Literal na hell. Psh. And hindi lang diyan magtatapos kasi hindi hell week ang nararanasan ng Benedictonians, hell month! Isang week na puro gawa ng requirements, isang week na puro review and isang week na exam and syempre isang week na rest! Yun yung favorite ko na week sa hell month! HAHA.

"Oh? Anong ginagawa ng The Moon dito sa klase ko?" nagtigil kami sa pag-uusap ni Louisse ng magsalita ang prof namin

"Hi sir! Good afternoon po! Magbibigay lang po sana kami ng lunch." omg, lunch???

"Bakit may pa lunch kayo? Anong ganap?" sir, pwede bang tanggapin mo nalang?? Blessing na yan oh! Wag mo ng patagalin sir!

"Napag-usapan lang sir! Alam kasi namin na hindi na halos makakain ang Engineering students dahil sa review week!" masiglang paliwanag ni Chester

Kung pwede lang talagang kuminang ang mata ko, kikinang na siya! Hulog sila ng langit! OA na kung OA pero hulog talaga sila ng langit!

"Ok. You can distribute that. Class, kain lang kayo ng 20 minutes then ituloy natin ang ginagawa natin, ok?" we all nodded

Tatlo silang nandito, Chester, Sean and Vion.

"Here. Eat" i nodded to Sean, siya kasi ang nagbigay ng pagkain ko

"Kain ka na." I heard Vion said to Louisse

"Thank you/ Salamat." sabay pa naming sabi ni Louisse kaya nagkatinginan kami

"Welcome. Enjoy your lunch. Maghihintay nalang kami mamaya sa tambayan. Bye!" tumango nalang ako at nagsimula ng kumain

Adobong baboy! My favorite! Bakit ang swerte ko ngayon araw? First hindi ako nalate, then this, nagpakain ang The Moon and ang ulam ay adobong baboy? Seriously? Why so swerte Kiana?

After 20 minutes, we continued our class. Until 6 PM came.

Yeah, late talagang natatapos ang class every review week.

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now