1

55 5 5
                                    

Kiana Winoa's POV

"Kian!" nagulat ako ng sumulpot sa tabi ko si Louisse, my nerd bestfriend, nerd siya pero ang ingay ingay pag ako ang kasama! Hindi siya nagmumukhang nerd!

"Nanggugulat ka nanaman!" sita ko dito at natawa naman siya

"Hahaha! Sorry na. Tulala ka naman kasi! Kanina pa kita tinatawag eh. Siguro iniisip mo si Draze noh!" sinundot sundot pa niya ang pisngi ko kaya tinapik ko ang kamay niya

"Di noh! Iniisip ko kung nerd ka ba talaga o hindi! Ang ingay mo kasi! Sa mga nababasa kong stories ang nerd ay hindi maingay tsaka laging nagbabasa! Ikaw minsan lang nagbabasa, maingay pa! Ang sumakto nga lang na description ng nerd sayo ay ang eyeglasses mo at pimples mo!" inirapan ko ito at natawa naman siya

"Hahaha! Sa bahay lang kasi ako nagbabasa. Di ako mahilig magbasa pag nakaupo, mas feel ko kapag nakahiga! Tsaka maingay talaga ako, since birth!" proud na sabi nito kaya pinitik ko ang pisngi niya

"Proud pa talaga ah!" ngumuso naman siya kaya yung nguso niya ang pinitik ko

"Ouch! Amazona ka talaga Kian!" reklamo nito pero hindi ko siya pinansin

She's Louisse Irae Reyes, my bestfriend since grade school. Louie for short. Nerd siya and parang hindi naman. May pimples siya all over her face and nakasuot siya ng eyeglasses. Tsaka isa siya sa mga dean's lister. Ako rin naman pero mas mukha kasi siyang nerd dahil sa eyeglass niya.

Tsaka hindi mo yan makikitang magbubuklat ng libro dito sa school! Lagi niyang dahilan eh maingay daw ang paligid at hindi siya makapag-concentrate! Psh! If i know, tinatamad lang yan!

"Kian! Dadaan sina Draze! Ihhhh. Nandiyan na si Chester!" irit nito sa mababang boses

Napalingon naman ako sa paligid at tama nga siya, papunta sila sa pwesto namin. Shemsss! Andyan na si Draze!

"Draze!" tawag ko dito pero di man lang siya lumingon, si Sean ang lumingon at kumaway, nginitian ko ito ng pilit at kumaway pabalik tsaka ako tumalikod at naglakad, shet pahiya ako dun buti nalang at walang tao

Naramdaman ko namang sumunod si Louie. "Ok lang yan Kian! May next time pa! Or di kaya kay papi Sean ka nalang mas mabait. Hihihi" di ko alam kung maiinis ako or matatawa ako dahil sa hihihi niya, ampangit pakinggan!

"Tumigil ka nga diyan! Draze hanggang sa huli ang motto ko kaya hindi yun magbabago!" i said with finality but she just laughed at me

"Hahaha! Tignan natin." She said with a smirk on her face

"Ugh! Makaalis na nga!" sabi ko sabay tayo at umalis na

"Hintay!" rinig kong sabi niya pero mas binilisan ko pa ang lakad ko

Bahala siya diyan! Basta ako binilisan ko na ang lakad ko dahil alam kong malapit nang magsimula ang first class ko.

At tama nga ako dahil saktong pagka-upo ko palang sa upuan ko ay siya namang dating ng teacher.

After three hours, tapos na ang klase ko. Since today is Friday, hanggang three lang ang klase ko. Meaning, uwian ko na. Hohoho!

"Kian! Tara sa may Jollibee!" aangal na sana ako pero hinila na ako ni Louie, "At wala ka ng magagawa. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" tss. Isip bata!

"Tsk! Childish." I murmured and i saw her rolled her eyes

"I know hihihi!" napa-irap rin ako

Hay! Bakit ko ba naging kaibigan ang isang toh?

-

Pauwi na kami galing sa Jollibee at masaya naman ako dahil nilibre ako ni Louie.

"Bye bye Kian!" kumaway ako pabalik kay Louisse na ngayon ay pabababa na mula sa jeep

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon