16

15 3 4
                                    

Kiana's POV

Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng mundo pero ang sigurado ko ay matagal pa ang byahe. Kakapasok palang namin ngayon sa sasakyan at hindi ko parin talaga makalimutan ang nakakahiyang ginawa ni Chester. Sumigaw ba naman sa loob ng 7/11! Buti na ngalang at hindi siya sinita ng guard! Tsk. Sana sinita nalang siya at pinalabas para hindi niya kami natukso kanina!

"Itutuloy na natin ang jojowain o totropahin dahil hindi pwedeng makaligtas ang mga hindi natatanong!" hindi pa man umaandar ang sasakyan ay nagsasalita na naman tong Chester na to

"So Louisse, turn mo na! Vion ikaw magtatanong! Kung ako sayo tol, sabihin mo pangalan mo pero wag nalang pala baka masaktan ka pag sinabing tropa lang. Awts." at tumawa pa ito

"Gago! Utot mo!" Vion said and 'tsked'

"Tanong ka na ngalang!" Louisse

"Vion Kaiser? Totropahin o Jojowain?" at di ko alam kung tanga ba tong Vion na to para sumunod sa sinabi ni Chester o talagang tanga lang

"Tinatanong pa ba yan? Syempre tropa! Di mo pa ako friends kaya tropa palang. Kung sinabi mo sanang friends mo ako, edi malay mo jowain pa kita kasi naging tropa na kita. Kaso hindi eh, so totropahin!" As usual, si Chester ang unang nagreact

"Hahaha! Sabi sayo tol eh! Di ka kasi naniniwala saakin! Manghuhula ako you know?"

"Manghuhula ka, because?" natawa kami sa sinumbat ni Axia

"Tsk! Papansin ka na naman!" Tila naaasar na sabi ni Sean

"Papansin ako, because?" at tila nang-aasar naman si Axia

"Because kulang ka sa pansin! Tsk. Next na nga, Vion tropa ka lang talaga!"

Si Glen naman na ang magtatanong habang si Vion ang sasagot.

"Louisse Reyes?" nagtawanan naman kami sa sinagot niya

"Totropahin din! Bat ko siya jojowain? Di naman siya kajowa-jowable!" napuno ng pag-aasaran bago humantong kay Glen ang tanungan, ako ang magtatanong

Sino naman ang sasabihin ko? Eh wala namang nalilink kay Glen na babae!

"Uhm? Totropahin o jojowain, si Chou Tzuyu?" yun nalang ang nasabi ko at natawa naman sila

"Sana all ganyan kadali!"

"Syempre aasawahin yan! Tzuyu stan si Glen eh!"

"Once si Glen! Tzuyu biased kaya jojowain yan!"

"Tsk tahimik! Hindi kayo si Glen para kayo ang sumagot!" pagtatahimik ni Heizy at natahimik naman sila

Pero mas natahimik kami sa sagot ni Glen.

"Pakakasalan bago aanakan."

After five seconds.

"Yun oh!"

"Mabuhay ang bitter!"

"Glen niyo hindi bitter kay Tzuyu!"

"Ang sweet naman ni Bitter boy!"

"Sana all, bitter boy!"

"Bitter no more!"

"Hugot no more!"

Hanggang sa ako na ang tatanungin ni Sean.

"The controversial 'mag-bestfriend' na ang magtatanungan. Baka pagkatapos ng larong to, magjowa na kayo! Haha!" sarap batukan ng Chester na ito

"Tsk. Kiana, jojowain o totropahin. Draze Aquino?" gago tong Sean na toh!

"Bakit si Draze?"

"Hala, Heizy oh!"

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now